Instant Husband special part 3

2.7K 36 6
                                    


 Dumating na ang araw na pinakahihintay ko kahit anong pilit ko na ako na lang ang pumunta sa kinaroroonan ni Dion ay hinid pumayag si Kaito. Ang lahat ng ito ay selfish request ko.

"Hindi lang talaga ako mapalagay, Kaito." saktong paghinto ng sasakyan sa stop light.

"Hindi ko maintindihan na ang nararamdaman ko." napatikhom ang palad ko. Biglang ipinatong ni Kaito ang kaniyang kanang kamay sa'kin.

Nginitian niya ako at sabay sabi. "Magiging okay din ang lahat." at hinaplos niya ang pisngi ko. Kahit papaano ay umayos na ang pakiramdam ko.

Nakarating na kami sa bahay bakasyunan ni Celine.Malaki at luma na ang disenyo ng bahay na animo'y panahon ng kastila. Napapaligiran ng naglalakihang mga puno ang bahay. Nasa tapat na kami ng malaking gate ng matanaw kong may nagtatabas ng damo sa loob.

"Dion!? Ikaw ba yan?"

Narinig ata nung binata ang sinabi ko. Unti-unting lumapit ang binata sa gate.

"Magandang hapon sa'yo. Ikaw ba si Dion?" tanong ko. Sa paglapit niya d'on ko napatunayan na siya nga si Dion.

Buti na lang talaga at napakaliit ng mundo nagkataon pang-anak si Dion ng caretaker ng bahay ni Celine. Pinag-masdan ko ang magiging reaksyon niya. Nagtaka ata siya dahil alam namin ang pangalan niya.

"Ako nga si Dion may kailangan po ba sila?" sabi nito habang binubuksan ang gate. Si Kaito naman ay tahimik lang na nagmamasid.

"Ako nga pala si Nicole at siya naman si Kaito may nag-papaabot lang talaga ng mensahe sa'yo"

Kumunot ang noo ni Dion. " Sa loob na lang natin po pagusapan at tila uulan pa" Biglang sumingit si Kaito. "Ikaw ba ang nagbabantay ngayon sa bahay na 'to?"

"Opo, sobrang pasasalamat ko na din kasi kahit papaano ay may mapagkakaitaan ako habang nag-aaral. " Huminto siya saglit.

"Paano niyo po nalaman ang pangalan ko? "

"Oh... kay Celine ko nalaman. Nasabi niyang may katiwala daw silang pangalan ay Dion kaya heto."sabay kamot ko sa batok ko.

"Ganun po ba.Maupo muna po kayo sa sala at maghahanda lang po ako ng maiinom." Tumango lang ako at gayun din si Kaito.

Binuksan na niya ang pintuan at bumungad sakin ang isang painting sa may pasilyo. Isang napakagandang litrato ng isang dilag. Suot nito ay tila bestida na hanggagn tuhod nito. Kayumangi ang kulay ng balat ng dalaga at itim ang kulay ng kaniyang mata. Hawig ito ni- Pandora!! Iba lang ang kulay ng buhok at kaniyang mga mata, Halos puti na ang buhok nito at ang mga mata naman niya ngayon ay kulay hazel na ang mga mata nito.

Nakatingin din si Kaito ng lingunin ko siya, "Siya yan Kaito hindi ako maaring nagkamali." Pero bakit iba ang itsura nito kay Pandora?Dumating na pala si Dion dala gn tray niya na may mga baso ng juice.

"Base sa mga reaksyon niyo ay nakita niyo na siya. At sa malamang ay siya dina ng ang nagpadala sa inyo dito."

Tumango ako at agad na sinabi ang pinapaabot ni Pandora. "Na maghihintay pa din daw siya sa'yo." pagkasabi ko noon nakita ko ang isang mapait na ngiti sa labi ni Dion.

"S-salamat sa pagabot ng mensahe sa'kin. Naabala pa niya kayo," Iniwagayway ko ang kamay ko, "Naku hindi, ako ang may gusto din nito."

Nagulat si Dion sa sinabi ko pero yun ang totoo. "Di ko alam pero sa loob ko nais kong makilala kita,"

Isang buntong hininga ang ginawa ni Dion. " Si pandora ay matalik kong kaibigan mula pagkabata. Akala nga ng iba nababaliw na ako dahil amy kasuap daw ako sa hangin. Kahit ang mga may third eye hindi siya nakikita naririnig lang siya kaya nakakapagtaka at nakita mo siya. "

Ano ang big niyang sabihin?

"Maaring may koneksyon kayo ni Pandora gaya ko.Sa nakaraang buhay nating dalawa ay nakilala natin siya. Ako ay isang kaibigan di ndaw niya bago siya mamatay baka ikaw din po ate Nicole naikuwento nga pala niya ang tungkol sa isang batang babae siyang naging kaibigan,"

Past life? Puwede pala yun? Kahit na gaano pa ka-open minded ang utak ko itong sinsabi nii Dion ay parang isang hugot mula isang nobela.

"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?" tanong ni Kaito,

"Sa totoo po hindi pero malakas ang kutob kong may koneksyon si Ate kay Pandora gaya ko." halatang totoo ang kaniyang sinasabi,

Mag aalasingko na ng hapon hindi ko napansin ang oras.

Tumayo na si Kaito. "Mauna na kami Dion salamat sa pagtanggap samin."

Tumayo na din ako at inayos ang dala kong gamit,. "Maraming salamat,Dion sana magkita tayo ulit." sabay abot ko sa kaniyang balikat.

"Sigurado iyan ate sige na po baka gabihin pa kayo sa daan."

Habang nasa biyahe naisip ko ang lahat ng posibleng koneksyon namin ni Pandora na sa tingin ko ay hindi niya tunay na pangalan. Na baka ako nga ang sainsabi ni Dion na batang babae na kaibigan ni Pandora noon. Pero isa lang ang sigurado ko. Magkikita kaming muli nasagot ang ilang tanong sa isipan ko at patuloy na maghahanap ng sagot ito.Alam kong masasagot din ito sa pagdating ng panahon. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Instant Husband (completed/editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon