Valentines Maho(Magic)

1.8K 16 0
                                    

(A crossover.. A sneak peek for my two new characters. Naisipan kong gawan ng ganito para maiba.. And since na miss ko sila Kaito at Nicole ito ang surpresa ko sa inyo)

"Ang puso ay walang hanggan. Patuloy itong aagos na parang tubig sa ilog at hindi mo mapapansin na nakarating kana pala sa lugar na matagal mong nais marating. Sa lugar natutulog ang iyong puso. "

Ang bilis ng panahon parang kelan lang ay ang kasal namin ni Kaito at ngayon ay pang limang taon na namin bilang mag-asawa. Malapit na din kasi mag-valentines kaya heto dahil sa kagustuhan ko na din. Sobrang na-intrigue lang talaga ako sa isang article na nabasa ko.

Pandora : The Gorge Lady.

Kailangan ko lang talga ng bagong maisusulat o indpirasyon lately nawawalan ako ng gana.Naalis

Ang pag-iisip ko ng biglang nagsalita si Kaito.

"This place is not bad. " halata ang pagkamangha sa tono niya..Kita ko ang pagkamangha sa mukha ni Kaito. Ang guwapo pa din niya.. Ang gwapo ng asawa ko.

"Nagagwapuhan kana na naman sakin, Nicole?" at sabay pogi-sign niya. Napatakip tuloy ako ng bibig sa sinabi niya.Natawa at namula ako. Di ko siya pinansin a naglakad na lang patungo. Sa daan paara makita ang wawa dam.

Narinig kong tinawag niya ako bahala siya.Kainis. Pero mahal ko tong lokong to. Nang mapatingin ako sa paligid na sabi ko na lang

"Gush,, ang ganda talaga."

Ang naglalakihan nitong mga limestone,bundok na napupuno ng mga puno ay nagbibigay ng kakaibang saya sa puso ko. Iba talaga ang ganda ng kalikasan. Napatingin ako sa kung sa nagsisilbing falls ng Dam ,may isang babae ang nandun at nakalutang ito sa tubig.

"Nicole! '

Rinig kong sigaw ni Kaito sa'kin.

Muntik na pala akong ma dulas.Pagkatinign ko sa lugar ng babae ay wala na ito. "Mag-ingat ka nga. Wag na kaya tayo tumuloy."

Sinamaan ko siya ng tingin "Hindi tutuloy tayo sayang naman e nandito naman din tayo."

"Ito naman di na mabiro. Pero magdoble ingat ka may kakaiba kasi akong nararamdaman." sabay hablot sa kamay ko.

"Kaya wag kang bibitiw."

Dumaan kami sa isang footbridge na halatang hindi pa isasayos dahil may kalawang na ito. Dahan dahan kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa lupa. Ang sarap tignan dahil sa kabila ng modernisasyon ay kahit papaano ay napapanatili ang mga ganitong lugar,

Ilang hakbang palang kami ni Kaito ay nakita ko muli ang babae na ngayon ay nakapalapit na. Nang makarinig ako ng isang bulong'

"Huwag kayong magtatagal sa tubig."

Huh? Binabalaan ba niya kami? Pero totoo ba tong nakikita ko . Kinakausap ako ng isang multo! Hinablot ko ang braso ni Kaito. Kita ang pagkagulat ni Kaito.

Hindi ko alam kung bakit na imbis matakot ako ay mas lalo pa akong magpursiging mas libutin ang lugar na ito.

Pero sa mga sandaling yun nakita ko ang isang binata na animoy may kinakausap sakin hanggagn sa naging malinaw ito. Teka ito ang babae kanina!

Magkahawak kaming kamay ni Kaito na nagtungo sa kinaroroonan ng binata,

""Hoy!! "Sigaw ko.

Napakamot sa batok ang binata, Tila nainis ata sa pagtawag namin. Hindi niya kami pinansin. Sa sandaling yun nakita ko ang dalaga muli kaharapa ng binata. Tila naguusap sila.

Tumingin ako kay Kaito hindi niya nakikita ang babae ibig sabihin ako lang ang nakakita.

Nakita kong napayuko na lang ang binata. Nagkaroon ata sila ng alitan.

Nang hihilahin na Kaito ang braso ko. " Nicole? Kanina kapa diyan nakatulala. Wala na yung binata mukhang uuwi na."

Hindi ko masabi sa kaniya ang nakita ko.Habang abala siya sa pagkuha ng litrato ako naman ay pilit na hinahanapa ng babae. Nagulat na lang ako nasa harapan ko na siya. Napasigaw tuloy ako dahil a gulat.Isang dalagang nakasuot ng isang puting damit na aabot ng hanggang tuhod nito. Maganda ang kaniyan kulay lupang mga mata.

Nagulat si Kaito at napatigil sa kaniyang ginagwa. Ngumiti lang ang dalaga saming dalawa. Sabay inilihad nito ang kaniyang kamay sa'kin, Hindi ako nagdalawang isip na abutin ito.

"Pandora ang aking pangalan," Ngumiti ito sakin at naramdaman ko na lang na parang binabalot ako ng kakaibang init. Bigla akong kinabahan.

"Maari bang pagnakita niyo muli ang Lalaking iyon ay sabihin niyo sa kaniya na maghihintay pa din ako? Hindi kasi ako makakaalis sa lugar na ito."

Napatango na lang ako. Oh mukhang ngang nagaway silang dalawa. Hindi siya makakaalis?

"Maraming salamat , Nicole." pagkasabi niya sakin nun ay bigla siyang naglaho sa hangin. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kaito. Dahil alam namin na hindi tao si Pandora. Pero bakit ako?

Hindi ko alam pero dama ko ang sinseridad sa mga sinabi ni Pandora.

"Nicole ,sigurado ka bang gagawin mo yung ibinilin nung babae?"

"Ni pandora." PAgtama ko sa kaniya.

"Okay kay Pandora pero masisi mo ba ako na hindi agad maniwala?"

Umiling ako. "Hindi naman sa ganun.ikaw talaga" sabay pisil ko sa ilong niya,

"Tinanggap ko yung pabor niya di ko yun puwede baliwalain,"

Nagbuntong hininga siya . "Okay you win. Let's find that boy. Anong pangalan?

"May bbumulong sakin. " Dion Blakesy ang pangalan niya"

Dion Blakesy ,saan kaya kita mahahanap. May isa akong salita at gagawin ko ito,  


Tbc.

Part1 out of 3

Instant Husband (completed/editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon