56

807 22 17
                                        

💜CHAPTER 56💜

" hindi ko alam, basta nag seselos ako period, wag ka ng maraming angal, nakita mo ba yong babae kanina don sa tapat ng tinitirahan mo, yon ang babae niya, kapal ng muka ipakita sakin paglalampungan nila"

" yon ba? Dale naman hahahaha, kilala mo ba ang babaing sinasabi mo hahaha"

" o bakit tinatawanan mo ako, wag mong sabihin...... "

" hahaha, yes,,, dale kilala ko siya,,, yong babaing sinasabi mo, Ate yon ni Edward,, sila lang dalawa mag kapatid"

" weeee di nga? Kapatid niya yon? Bakit di naman naikuwetu sakin ni Edward na my kapatid siya?

" bakit ilan buwan na ba kayo nag kakilala at tinatanong mo naman ba siya about his life "

Umiling ako, hindi pa namin napag uusapan ni Edward about his siblings, basta kapag kasama ko siya nag iiba kulay na mundo ko masaya ako kasama siya puwera na lang yong maling hinala ko my babae siya.

Kung totoong kapatid ni Edward yon, nag kamali ako ng hinala.

" mabait yon si Ms Laura, don nga ang condo unit niya sa tapat ng inuupahan kong tinarahan, malapit lang din don ang pinapasukan Boutique shop na pag mamay ari ng tita nila ni Edward, nakilala ko siya minsan nag pa delivery ng fast food mula sa pinapasukan ko. Nag kataon na wala yong boy delivery namin kaya ako inutusan ng manager namin, nang malaman magkatapat lang tinitirahan namin madalas niya ako yayain sa unit niya, wala lang mag kukuwentuhan lang kami."

Kailangan kong balikan si Edward, kailangan kong humingi ng sorry. Nag kamali ako ng akala.

" Dale, saan ka pupunta"

" kailangan kong balikan si Edward"

Wala na si Edward sa lugar kong saan namin iniwan ni vive.

Wag naman sana, o god pls help me.

... Dialing Edward Kumag...

" pls Edward, pick up"

Walang sumasagot, saan kaya siya pumunta, saan ko hahanapin, anong gagawin ko? My nangyari bang masama sa kanya kaya hindi sinasagot ang tawag ko.

...Dialing Edward kumag...

Nakailang dial ako pero walang sumasagot.. Tumulo ang luha ko bakit ko ba siya hinusgahan ng ganon? Bakit ko ba siya sinaktan? Sana nag tanong ako bago ko ginawa? Ang daming tanong sa isip ko. Hanggang sa nalamayan ko na lang nasa bahay na ako.

" mudra,,, kuya Luis,, tita"

Bakit walang tao dito, saan sila pumunta?

Pumasok ako sa kuwarto ko. Laylay ang mga braso kong napahiga sa kama ko.

Hanggang sa pumasok ako sa bathroom at naligo.

... Itutuloy...

MAG MAHAL MULI ( MAYWARD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon