Naka earphone ako habang tumatakbo dahil nag jojoging ako dito sa village namin para naman pumayat ako ng konti! Dami kaseng nagsasabi na chuby ako! Huhuhu
Dumaan ako sa may court ng village at umupo sa bench, may nakita akong may nag babasket ball na lalake pero sa kabilang ring sya at malayo sa akin. Hinayaan ko sya at di na pinansin wala naman akong kakilala dito sa village na to eh!
Nainis ako dahil huminto ang kanta kaya inalis ko ang earphone ko at tinignan ko ang phone ko! Tss lowbat na ako. Kaya tinago ko sa bulsa ang phone ko at tatayo na sana nang......OUCH!!! sapul
Kaya eto naka dapa sa sahig,Bwisit nakakainis naman eh
"Miss are you okay?" Tanong ng lalakeng bwisit,nagtanong pa eh alam na ngang HINDI hay naku!
Kinuha nya ang bola nya at umalis na, walang galang di manlang ako tinayo kaya eto umupo ulit ako sa bench at hinimas-himas ang tuhod ko.
Nang naglaho na ang sakit nagsimula na ren akong maglakad nakakainis yung lalakeng yun batuhin ko kaya yun ng bato! Oops good girl ako.
Bato bato bato sa langit ang matamaan ay wag magalit! Ay kanta ata yan eh.
Nawala na ang gana ko mag jogging kaya napag desisyonan ko na umuwi nalang! Hay nakaka bad trip ako ah!
"Hiiiiiii! Sa ate kong napaka kaganda!"sabi ni kulet nasi shiny kulet,ang napaka ingay at kulet kong pinsan pero natutuwa ako sa kanya.
"Bolero ka na ah" sabi ko sa kanya, five years old palang sya pero ang dami na nyang alam! Hahaha pwera lang sa kabastusan.
"No ate its true your beautiful like me!" ay nako yan gusto ko sa kanya.
"Siguro may gusto kang ihingi sa akin kaya naglalambing ka!" Alam ko na ang ugali nya pagnaglalambing may kapalit.
"Hehe oo ate I want you to libre libre me!" Napatawa nalang ako sa kanya, hahaha! Napaka cute na bata mana sakin charot.
"Sige pupunta tayo sa mall mamaya pero bago yan. Maligo ka muna kase ang bantot mo na! Ang asim ng kili kili mo eh" sabay amoy ko sa kili kili nya, aww ang baho joke lang!
"Ay di na kita love ate! Tse!" Haha natatawa talaga ako sa kanya palagi, matampuhin at may pagka maldita pa minsan.
Pero nakakatuwa!
"Uy anak kumain ka muna dito inday!! " sabi ni inay at lumapit ako at nagmano sa kanya!
.
.
.
.
.
.
Nandito na kami sa mall ni Shiny at namamasyal pero sa totoo lang ayaw ko lumabas dahil mahiyain talaga ako! Anti-social ako eh huh? kaartehan lang yan Cath!
"Ate, ate, ate, ate dun tayo sa ice cream!!" Tumuro sya sa ice cream parlor na malapit sa amin atsaka hinila ako.
Pumasok kami at Umorder na ng cookies and cream flavor.
"Shiny C. R. Lang ako ah dito kalang! " paalala ko sa kanya baka makidnap pa toh at kuhain ang mga laman loob... fudge!
Ay over na ata ako! Negative thinker ako eh pake nyo ba.
Agad na akong pumunta ng comfort room ng girls, alangan naman sa boys! Pathetic! Baliw na yata ako eh.
Pag balik ko wala na si Shiny....OH MY GHAD naku paktay ako sa nanay nung batang yun. Kinabahan na ako bigla.
Agad kong nilibot ang mata ko at nakita ko syang may kausap na.....lalake na STRANGER.
Turo sa amin ni inay wag kakausapin ang di kilala nung mga bata pa kami. Agad akong lumapit sa kanila...
"HOY! STRANGER LAYUAN PO ANG PINSAN KO! " malakas ang sabi ko at tumingin ang mga tao sa gawi namin wapakels ako at hinila si shiny.
"Miss what is your f*cking problem?" Tanong ng stranger na naka jacket pa.
"Aba bat mo kinikidnap pinsan ko? " agad na tanong ko.
"Kidnap? are you out of your mind kung kinidnap ko na yang pinsa mo, sana kanina pa!! Tss crazy! " grrrr ako crazy what the hell?
A/N:
Hello mga lodi! Done na chapter 1 update ako next day dahil may pasok na bukas, ngayon wala dahil BONIFACIO DAY!
Pasalamat kayo kay andres bonifacio!
Chosss!Next update- December 2, 2017
BINABASA MO ANG
I fell in love (Completed)
RomanceI was able to knew that I fell inlove with him. He's jerk He's annoying Because he does everything to annoy me I hate him with every cell in my body But... Never mind though Cause... I FELL INLOVE! #TeenRomance