Chapter 12

373 15 3
                                    

JEALOUS?


"Tumigil ka na Wayne! Past nyo na yun kaya kailangan mo ng ayusin para matapos na ang problema sa mga magulang mo at kay ariana"parang sermon ko na rin sa kanya.


"Past is Past atsaka wag kang makialam kung ayaw mong patayin kita ng buhay! At ano yun? Paano kayo nag kakilala ni Ariana?" Sunod na sunod nyang sabi.


"Wala ka na dun! Wayne sige na kausapin mo na sya! Wala namang masama dun eh! At patawarin mo na rin sya sa mga nagawa nya sayo noon! Ganyan talaga ang pag ibig! May sumusuko at may napapagod" mahinahon kong wika.



"PLEASE Wayne ako na ang nakikiusap sayo kausapin mo na si Ariana! Diba mahal mo pa sya?" Pakiusap na patanong ko.


Nakatingin lang sya sa malayo na tila nagiisip.....sana naman pumayag na sya.


"Bakit ganon? Parang unfair nagmahal ako ng sobra sa kanya pero sya hindi nya nagawang suklian yun!" Ramdam ko na nasaktan sya, siguro mahal na mahal nya talaga si Ariana.


"Di na nya ako mahal kaya wala na dapat pang pag-usapan pa, sobrang sakit ang ginawa nya,sobra! Alam mo ba yun" dagdag nya pa. Oh ngayon ko lang nakita na seryoso sya kase ang alam ko ang isang Wayne Valencia ay hari ng yabang at laging nakatawa ugh.


Hinimas himas ko ang likod nya para mabawasan ang lungkot nya sabi kase sa akin ni Inay ay nakakapagtanggal iyon.


"Wayne!" Nakita ko si Arana na papalapit sa amin.


"Sige iwanan ko na kayo!" Sabi ko at umalis na dun para makapag usap sila ng maayos, grabe pala pag mahal na mahal mo ang isang tao tapos pag sinaktan ka o niloko ay sobra naman ang madadama mong sakit!


Letche flan na pag ibig yan!


Umupo ako sa bench pero natatanaw ko pa sila mula dito! Buti naman ay nakapag usap na ang dalawa.

"Cath!" Tawag ng kung sino.


"Uy purple ikaw pala yan!" Sabi ko,napatigil sya at tumingin sa kanila ni Wayne at Ariana.

"What happened? Bakit nag uusap ang dalawang yan? "Tatayo na sana pero pinigilan ko!

"Purple! Hayaan mo muna silang ayusin ang nakaraan nila!" Choss para tuloy akong madrama ngayon!

"Bye Cath!" Malungkot nyang sambit! At tumuloy na sa paglakad! Buti naman at di nya ginulo ang usapan nila.

Tinignan ko ang dalawa at ayun.....


Nagyakapan na! Pero parang may naramdaman akong kakaiba!


Di ko pinansin yung naramdaman ko,malamang nagka ayos na ang dalawa, maya maya ay naglakad na sila ng sabay papunta sa akin.


"Oh kamusta?"tanong ko kay Ariana.


"Ok na, nagkaayos na kaming dalawa, thank you Cath! Babawi ako sayo ngayon ililibre kita ngayon let's go!" Aya nya sabay hila sa amin dalawa ni Unggoy! Este Wayne.

"Order ka lang Cath ng gusto mo ako ang magbabayad para makabawi sa tulong mo!" Sambit nya,yun makakakain nanaman ang tiyan ko ng madami ops hinay hinay lang Cath baka bumilog ka!


After naming mag order ay naupo kami sa pang apatang table sila ni Ariana at Wayne ang magkatabi.

"Wayne! Tuna Sandwich oh" alok nya kay Unggoy at eto namang si Unggoy ay kumagat naman.

Naramdaman ko nanaman yung kanina kong nararamdaman yung nagyakap silang dalawa tapos ngayon yung sinubuan ni Ariana si Wayne.

Why do I need to feel this?


"Cath, huy!" Tawag sa akin ni Ariana


"Ah? Bakit? " tanong ko.

"Kanina pa kita tinatawag ayaw mong pansinin,mukhang malalim ang iniisip mo ah!" Ika nya, oo malalim na malalim.

"Ah wala may iniisip lang ako!" Sabi ko at kumain nalang ulit.

"Alam mo Cath! Favorite ni Wayne ang Tuna sandwich dati at maging hanggang ngayon mas gusto nya yung ako mismo ang gumagawa"pag kwe-kwento nya sa akin tungkol sa relasyon nila!

"Ah ok! Mukha nga kase ang takaw nyang unggoy na yan!" Pag bibiro ko sabay duro kay Wayne unggoy.

"What are you saying?" Patay malisya nya, mukhang quiet si unggoy ngayon isang malaking HIMALA!

"Haha what did you call to Wayne? Monkey? Haha" tawa ni Ariana.

"Oo mukha kaseng unggoy" sambit ko, habang si Unggoy tahimik lang, ano bang meron bakit ang tahimik nya dati rati ang galing nyang mang asar!

Change Is Coming! CIC

*____*

KRINGGGGG (BELL RANG)

"Uy bye Cath, tara na sabay sabay na tayong tatlo pumasok! Tutal same subject naman tayo ngayon eh" sabi ni Ariana.

"Sige!" -ako

-_______-

Nauna silang maglakad sa akin kaya ako ay nasa likod nila ako tahimik lang ako at sila ayun ang sweet! Mas sweet pa sa sugar!

Naiinis ako kapag nakikita ko silang sweet katulad kanina! Pero bakit?

Mas lalo akong naiinis nung nag holding hands sila, tss bakit ba ako naiinis?

Diba may boyfriend na si Ariana bakit parang sila na? Tss ang gulo!

Dahil ayaw kong makita silang sweet ay nauna na ako pumasok sa room dahil OP lang ako sa kanila.

Ayun nga tumabi sila sa akin! Bale nasa gitna si Wayne at nasa gilid ako at si Ariana! Tss bakit ba sila andito? Ayaw ko silang andito!

"Cath! Are you ok parang kanina kapang bored?" Tanong ni Ariana.

"A---ah ok lang ako!" Sagot na nauutal pa!

"Hayaan mo nga yang chubby na yan!" Singit ni Unggoy!

"Tss! Shut up ka nalang dyan!" Inis kong sabi.



I fell in love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon