Weird...
Cath's Point Of View
Today is another day...
Whaaaaa! Nagulat ako nung tumingin ako sa salamin dahil para na akong nabugbug ni berna dahil sa laki ng eyebags ko pati na ang kirat Kong mata. Kasalanan kasi toh ni....ni.... Wayne! Umiyak lang ako magdamag dahil sa nangyari kahapon.
Bakit ganon? Ako yung unang sumuko pero ako rin pala ang masasaktan, ako yung bumitaw pero parang gusto ko syang puntahan sa dorm nya at yakapin sya ng mahigpit, bakit ganon? Haystt naeestress ako ngayon!
Mukha rin kase akong tanga eh, actually napaka tanga ko na pala. Ginawa ko lang yun para kay nanay,para mabayaran ang bills sa ospital at para gumaling na so nanay. Cath! Kung kami talaga ang itinadhana, Edi kami! As simple like that!
Pagtapos Kong mag ayos ng sarili ay lumabas na ako at nagsimulang mag lakad papuntang cafeteria, Alan nyo naaaa! Edi syempre kakain dahil kumakalam na naman ang bilbil ko!
Umupo ako matapos Kong mag order, naisip ko sila Zed at Dayne! Ayyy nagbakasyon nga pala si Zed sa probinsya nila samantalang si Dayne naman ay busy sa family problem nya about company nila, So meaning to say, ako lang mag isa?
"Can I sit here?" Napa tingala ako sa nagsalita. Si Wayne lang pala, siguro wala ng vacant sit kaya dito na sya uupo, Tss wag kang assuming pretty cath!
Nag nod lang ako nagmuling sumubo ng kinakain Kong tapsilog, Hindi ko sya pinapansin dahil sobrang weird ng air ngayon! Alam mo yung feeling na hiwalay na kayo pero parang normal lang ulit! Nuginagawawamue?
"Cath can we still be friends? Siguro naman ay pwede noh?" Pag iinterrupt nya sa katahimikan.
Nahihibang na ba sya? Friends? No way! Nakipaghiwalay ako sa kanya para wag nya na akong pansinin at lumayo na sya, yan ang sabi ng Tatay nya.
"Nope." Maikli Kong sagot.
"Why?"
"Because it's over between you and me!" Sagot ko. Pag naging mag kaibigan kami, anong mangyayari? Maiinlove na naman tapos mag kakatuluyan tapos maghihiwalay tapos masasaktan? Tss duhh!
"Bakit? Affected ka pa rin ba?" Gosh! His handsome face! Cath, tama na please! Wag kang papayag na maging friends kayo!
"Hindi noh! Wag ka ngang mag feeling! At can you please leave me alone?" Sabi ko sa kanya at tumayo then naglakad papuntang locker ko.
"Eh bakit ayaw mo tayong maging friends? Kung di ka apektado sana Hindi ka tututol." Mayabang nyang sabi.
"Wayne, pwede ba? Wag mo ng guluhin ang tahimik kong buhay! Tsaka bakit parang andali lang sayo na kalimutan Yung nangyari? Nakalimutan mo na na hiwalay na tayo at ngayon gusto mong maging magkaibigan tayo? Baliw ka na!" Sabi ko.
"Madali lang sa akin ang lahat dahil Ganon din kadali sayo na sumuko at hiwalayan ako!" Opps! Alam ko na ang uuwian ng usapan na toh! Iyakan!
"Ginawa ko yun para Kay Nanay! Ginawa ko yun para iligtas ang buhay nanay ko dahil kahit kailan hindi ko hahayaang mawala si nanay sa piling ko." Malungkot Kong saad.
"Paano naman tayo? Hindi mo ba naisip na page ginawa mo yun may masasaktan? Kaya Kong ibigay ang kahit ano mang halaga ng pera para sayo!" Aniya.
"Tama na Wayne tapos na yun!" Pagpuputol ko sa usapang walang patutunguhan!
"Cath I love you!"
BINABASA MO ANG
I fell in love (Completed)
RomanceI was able to knew that I fell inlove with him. He's jerk He's annoying Because he does everything to annoy me I hate him with every cell in my body But... Never mind though Cause... I FELL INLOVE! #TeenRomance