Chapter 13

410 15 18
                                    

Love? Tss

Natapos ang mga subject ko nang wala man lang akong naintindihan paano ba naman nakaka disttract ang dalawa kong katabi na lagi kong tinitignan bawat minuto, bakit kaya ganito? Nag seselos ba ako sa kanila?

HINDI CATHGUNI GUNI MO LANG ANG AWKWARD MONG FEELINGS!

       

                                                              

Di ko namalayan na andito na pala ako sa tapat ng bahay namin.Agad akong pumasok sa loob,pag pasok ko nakita ko si Inay sa kusina kaya dumiretso ako doon.


"Hi po nay!" Bati ko sa kanya at kumuha ng stick-o sa lamesa kasi naman favorite ko kaya ang stick-o.


"Oh andyan ka na pala! Musta pag aaral mo?"tanong ni nanay, hay nay kung alam mo lang! Tss


"Nay may tatanong ako!" Sabi ko.

"Oh ano naman yun?" Tanong nya.


"Nay pag may kakilala kang lalaki yung parang kaibigan mo na rin tapos dumating ang ex nya tas pag nakita mong sweet sila! Tapos may naramdaman kang kakaiba na di mo ma-explain ano tawag dun nay?"tanong ko sa kanya.

Hehe nakailan na 'tapos' word na ba ako?

"Alam mo anak ang tawag dyan ay pag ibig nakakaramdam ka ng selos dahil may nararamdaman kang feelings sa kanya!" Sagot ni nanay, WHATT? LOVE? Grrr no wala akong gusto kay Wayne!


"Pero nay di ko sya gusto!" Agad kong sambit, marahil namimiss ko lang ang pang aasar nya sa akin kaya ko naramdaman yun! Ugh

"Teka nga sino bang tinutukoy mo?"tanong nya

"A---hh wala! Nagtanong lang ang kaibigan ko!"pag sisinungaling ko.


"Ah, edi sabihin mo dyan sa kaibigan mo na ang love ay hindi mo mapipigilan kusa yang dumarating kapag sabi nga nila kapag kayo ay 'meant to be' kaya kung ako sa kanya, mag tapat na sya ng nararamdaman" pahayag ni nanay.


Ewan ko napakarami kong tanong sa isipan ko! Pero gusto ko ba talaga si Wayne o mahal ko na sya? NO! hindi yun maari! Ayaw kong ma fall inlove sa kanya! Dahil lamporeber! Choss.


"Pero nay paano ka magtatapat kung alam mong may mahal na syang iba!"tanong ko ulit.


"Ay mahirap yan nak! Mahirap ang sitwasyong ganyan! Eh ang tanong nag balikan na ba sila ng ex nya?" Wika nya.

"Ang alam ko nay hindi pa!" Di ako sigurado dahil wala naman silang sinasabi na nag balikan na sila,Ang sabi nila nagka-ayos lang sila.

"Oh yun naman pala eh, free pa syang mag tapat ng mararamdaman nya! Wag nyang itago dahil sa huli sya rin ang mahihirapan at masasaktan!" Bakit ang daming alam ni nanay pag dating sa 'love'.

"Opps tama na yan at may iuutos ako sayo Cath!"ika ni nanay.

"Ano yun nay?" Tanong ko.

"Mag grocery ka muna sa mall kase may gagawin pa ako dito! At tsaka may lagnat si Shiny kaya bawal ko syang iwan dito,Oh eto ang listahan at yung pera!"utos ni nanay!

Katamad naman! Ayaw ko sanang sundin kaso ayaw ko ring suwayin si nanay!

"Sige po nay alis na ako!"pag papaalam ko at sumakay ng tricycle papuntang mall.

Pagdating ko sa mall agad kong tinungo ang supermarket hehe malamang Cath alangan namang pumunta ka sa department storeTss.

Tinignan ko ang listahan ng pinapabili ni nanay! At agad nagsimulang maghanap ng mga gulay.

"Saan na ba ang Carrots dito? Di ko mahanap!"sambit ko sa sarili ko.

Tinabi ko ang cart ko at naghanap ng Carrots, lumakad ako ng kaunti pero may nabunggo akong tao!

"Whoa! Ahhhh" sigaw ko dahil patumba na kami.

"Tss, what the fvck!" Mura ng lalake dahil ang posisyon namin ay ako sa taas at sya sa baba.

"Ano ba yan ang lampa mo naman"salaysay ko, eh paano ba naman nasanggi lang ng kaunti natumba agad!

"Baka gusto mong tumayo na dyan!" Teka pamilyar sa akin ang boses na yun! Don't tell me si-----

"Wayne!" Tawag ko sa kanya at tumayo na dahil sobrang tigas ng katawan nya di ko alam kung abs ba yun o buto lang!

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya!

"Tss ano pa nga ba edi nag gro-grocery alangan namang tumae ako dito! Stupid!" -wayne

"Try mo ngang tumae dito gulayan! Tss unggoy! Oh baka gusto mo ng saging!"sabi ko sabay kuha ng saging.

"Grr! Sabihin mo sinusundan mo lang ako! Sus kunyare ka pa" pang aasar nya.

"At bakit naman kita susundan famous ka ba? Koreano ka ba? Si jungkook ka na? Tss ang layo" sabi ko sabay tawa, di ko alam pero ang saya kapag naasar na sya.

"Hindi naman ako koreano at kahit di ako si mang---kook ba yun? Ay mas gwapo naman ako dun"sabi nya, napatawa ako dahil sabi nya mangkook! Tss pero naiinis ako sa kanya! Lodi ko kaya si Jungkook!

"Asa ka! At Jungkook ang pangalan nya hindi mangkook" sambit ko, napaka yabang talaga nya!

"Wala akong pake sa ju--jungkook mo! Basta mas pogi at gwapo ako dun!" Sus yabang nya!

"Yabang mo! Hari ng yabang" -ako

@_______@

"Halikan kita dyan pag di mo inamin na napaka gwapo ko" lah? Ano daw halikan? Pero parang namula ako dun.

I fell in love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon