Chapter 26

396 12 3
                                    

BAKIT SYA??

Cath's Point Of View

Nasa biyahe na kami papuntang bahay, gusto ni Wayne na magpaalam kay inay...

"Sure ka ba talaga?" Pangalawang tanong ko na ito.

"Yeah! Mahal kita Cath! Nung niloko ako ni Ariana ikaw ang sumunod para damayan ako" Aniya

"Wayne...handa kong gawin ang lahat para sa taong mahal ko"sambit ko.

"Mas mahal kita taba" whaaaa! Bakit nya pa ako inaasar! Tss nakakainis.

"Infinite mahal kita unggoy" sabi ko.

"Let's go andito na tayo!" Aya nya at bumaba sya para buksan ang pintuan ko. How sweet.

"Inayyyy!" Sigaw ni Shiny kay nanay nang makita kami na kababa lang kotse.

"Jusko day! Ano man shiny?" -nanay.

"Andyan na si Ate Cath kasama si Mr. Pogi" masayang banggit nya.

"Anakk? Bakit ngayon kalang umuwi? Nagaalala na ako sayo, salamat at nakauwi ka na!" At niyakap ako ni nanay.

"Ma...sorry kase nakitulog....ahmmm nakitulog ako sa kaibigan ko. Alam mo na sleepover din pag may time" pagsisinungaling ko dahil ang totoo ay kay Wayne ako kagabi.

"Dapat sinabi mo anak pero teka bakot kasama mo yan?" Napansin nya si Wayne.

"Hi po nanay? Magandang umaga po!" Bati Ni Wayne.

"Ahhh...ma? Si Wayne po ano ko ehh.."naguguluhang sabi ko.

"Nay! Ako po ang manliligaw ni Cath at nais ko rin pong hingiin ang permission na galing sa inyo kung ok lang?" Hayst ano ba to si unggoy?

"Hah? Diba dati galit na galit ka sa lalakeng ito? Halos kumulo na nga ang dugo mo?" Naku.Narinig kong tunawa si Wayne.

"Oo nay pero nahulog ako sa kanya eh"nahihiyang tugon ko. Nagiinit na ang pisngi ko.

"Sus! Ate sabi ko na nga ba mahal mo si kuya pogi! Lodi ko yan eh" masayang sabi ni Shiny.

"Anak ang pag ibig hindi naman minamadali eh! Makapag aantay pa yan sa tamang panahon, pero kung mahal nyo ang isa't isa wala akong magagawa doon" saad ni nanay.

Tama si nanay pero mahal ko si Wayne di ko sya kayang iwan! Di ko kayang mawala sya sa piling ko.

"Mahal ko po ang anak ninyo?" -Wayne

Walang naging sagot si nanay doon kaya nang sumunod na araw ay pumasok na ako sa school katulad kahapon ay sabay kaming pumunta sa university.

Hallway palang ay tinitignan na kami ng nga studyante habang ako ay nakatingin lang sa ibaba magkahawak kamay kami ni Wayne.

Tinanggal ko ang kamay ko sa kamay nya, nahihiya ako dito sa school at natatakot ako sa kung anong matanggap ko na masasakit na salita.

"Why?" Kumunot ang kanyang noo.

"Wayne nahihiya ako" sambit ko.

"Don't be" sabi nya. Tss ano bang iniisip ng lalaking ito?

"Wayne?" Tawag ng pamilyar na boses, si Ariana? Bigla akong kinutuban? Kaya napabitaw ako kay Wayne ngunit kinuha nya ulit! Kulit naman.

"Wag kang humarang sa dadaanan namin Ariana!" Sabi ni Wayne.

"Wayne!  I'm so sorry pinagsisihan ko na yun,pinagsisihan ko na ang lahat ng ginawa ko sayo! Wayne please forgive me?" Naluluhang sabi nya.

I fell in love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon