SUPER HERO
Cath's Point Of View
grrrrrrrrrrrrrrrrrrg
Naiinis ako sa mokong na unggoy na yun paano na bukas? Ako na lagi mag lilinis ng cafeteria? NO WAY.
"Ate sino ba yang kinaiinisan mo? " tanong ni shiny pano kanina pa ako sigaw ng sigaw eh.
"Hay Shiny! Kung alam mo lang! Nakakainis yung lalakeng unggoy na yun!!" Sabi ko sa kanya.
"UNGGOY? May unggoy kang classmate!" Nagtataka nyang tanong, ay bata pala tong kausap ko tangengots.
"Oo Shiny, bully pa grabe sya wala syang awa! Mamatay na sana sya bwisi---" di ko na natuloy dahil pinigilan na ako ni inay.
"Anak bunganga mo, bata ang kausap mo! Baka gayahin nya yang mga sinasabi mo!" Paalala ni inay, di na talaga ako makatiis eh.
Sarap sumigaw ng...... hehe ay wala pala bad words pala yun.
"Shiny wag mo akong gagayahin ah!!!" bilin ko sa batang masyadong maraming tanong at masyadong curios sa lahat ng bagay.
"Oh sige na matulog na tayo." Sabi ni inay tapos umalis na sya kasama si shiny. Actually may own room ako eh wao mayaman ka ghorl? Pfft may sarili lang talaga akong kwarto.
.
.
.
.
Nagising ako ng.....teka anong oras na ba? Tinignan ko ang cellphone kong keypad lamang! Ghad! Its 2:30 am palang. Di ko alam kung bakit ako nagising...di kaya may multo dito!
CHE! walang multo noh!
Pinilit kong matulog but... it's over na hindi ko kayang pigilan.
Kaya ang ginawa ko tumayo ako at bumaba sa baba dahil parang gusto kong uminom ng tubig!
Habang ako'y umiinom may pumasok sa utak ko bakit ko naisip 'to.... na mag jogging, last ko kaseng jogging ay nabad trip ako kay unggoy.
Haha weird na kung weird dahil sino ba namang mag jojoging ng ganitong oras! Hehehe. Call me weird pero kanya-kanyang trip na'to.
Umakyat ako sa kwarto ko at nag bihis ng jogging pants at t shirt tsaka sinaksak sa tenga ko ang earphone at nilagay ang cellphone ko sa bulsa.
Wait ah! Kailangan pa ba sabihin ang pag bihis ko mula ulo hanggang paa? Charr
Hindi na ako nag paalam kay inay baka kase magising silang dalawa, lumbas na ako atsaka hmm...
Wait? Saan kaya ako mag sisimula sa kanan o kaliwa?? What do you think Cath? Ugh sa kanan nalang, naglakad ako sa road sa may kanan ko.
Nagsimula na akong mag jogging hay kailan kaya ako papayat? Huhuhu kakainis tong taba na toh! Mag diet kaya ako!
Hingal aking huminto sa napaka laking bahay,sarap nakawan ah!... Speaking of magnanakaw? Sabi ni inay labasan daw ng magnanakaw at mga kriminal ngayong oras na toh!
Sana lang walang snatcher ngayon! Dahil ayaw kong manakaw ang cellphone ko noh, astig 'tong cellphone ko ih dahil kahit keypad pwede kang magpatugtog. Astig parang wonderwoman!
Tumingin ako sa likod dahil parang may sumusunod sa akin pero wala naman akong nakita. Parang yung multo sa bahay sumunod sakin.
At isa pa village 'to kaya walang makakapasok na kriminal dahil full of security guards. Not everytime.
Di ko pinansin yun, nagsimula nalang ulit akong maglakad. Oo tama kayo ng basa, naglakad nalang ako dahil nakaramdam na ako ng pagod.
Tinignan ko nanaman cellphone ko na keypad kung anong oras na at shems nakakatakot talaga dahil 2:53 A.M
Parang ang bagal ng oras ah! Kanina pa kaya ako nag jojoging.
"Miss!!" Tawag sa akin ng nasalikod ko, hala sino sya? Nako! ayaw ko pang mamatay! Lord help!
"AKIN NA LAHAT NG GAMIT AT PERA MO?!" pagbabanta nya sa akin
"Kuya maawa naman kayo sa akin oh, wala akong perang dala at cellphone na keypad lang ang dala ko! Ano kukunin mo pa ba?!" Pagmamakaawa ko sa kanya, naka mask sya kaya di ko mamukaan kung sino sya!
"Ay mahirap ka pala! Edi katawan mo nalang ang kukunin ko para may halaga ka naman!" Nakaramdam ako ng takot kaya nangatog ang mga tuhod ko parang anytime ay pwede na akong matumba.
"Kuya wag naman po! Kung hirap po kayo sa buhay pwede po kayong mag trabaho ng marangal! Hindi sa paraan ng pag nanakaw!" Sabi ko sa kanya, sana effective yung mga sinabi ko!
"Eh wala akong natapos eh wala ring tumatanggap sa akin dahil wala naman daw akong kwenta!!" Aba nag eemote sya ah! Pero naawa ako bigla.
"Pero kuya! Naisip mo ba ang mga taong ninanakawan mo! Diba pinaghihirapan nila yun? Diba pinagpapawisan nila yun para lang may mapakain sa pamilya!" Parang napapaluha na ako.
"Tigilan mo ko miss, kahit ano pang sabihin mo! Hindi ako mababago kahit kailan ang gusto ko lang makapagsaya sa buhay!" Sabi nya na natutuwa at dahan dahang lumalapit sa akin habang ako ay unti-unting umaatras.
"Kuya maawa po kayo! Gusto ko pa pong makapagtapos sa pag aaral ayaw ko pong mabuntis kaagad!" Pagmamakaawa ko kay rapist. Teka! Bakit buntis agad nasa isip ko? Parang gusto ko pang magparape huh? Hays nagkakamali kayo! Defensive tss.
"Wag kang mag alala hindi kita bubuntisin basta sumunod kalang sa sasabihin ko at magsaya ka sa sarap na iyong madadama!!!" Malumanay na boses pero yung pang manyak.
"Kuya! Maawa po kayo sa akin!" pagmamakaawa ko ulit, at hinila nya ako bigla papuntang puno.
Napapikit ako dahil nararamdaman ko na ang hininga nya na amoy sigarilyo at may kasamang amoy ng alak. Napadilat ako dahil may narinig akong something.
Oh may ghad!
May tumulong sa akin! Yehey you're my savior and my superhero! Thank you lord kala ko katapusan na ng pagka virgin ko! Bataan be safe.
Nakarinig ako ng mga suntok! At nakakita na rin hehehe.
BOOM!
Natalo nya ang rapist slash magnanakaw, magpapasalamat talaga ako kay God at kay superhero ko.
Bagsak ang lalake at may dugo sa mukha nya! Buti nga sayo, kala mo ha! Tinignan ko ang superhero.
"THANK YOU MY SUPERHERO!" Pasasalamat ko sa kanya dahil naka hoodie jacket sya eh, what if kunware lang syang tumutulong pero kasabwat pala sya nitong lalaki? Brainless!
Don't tell me rapist din to?
To be continue.............
BINABASA MO ANG
I fell in love (Completed)
RomanceI was able to knew that I fell inlove with him. He's jerk He's annoying Because he does everything to annoy me I hate him with every cell in my body But... Never mind though Cause... I FELL INLOVE! #TeenRomance