Chapter 15

378 18 0
                                    


Ariana's Secret



Cath's Point Of View


Kainis yung mokong na unggoy na yun papagudin pa ako! Pwede naman kase sya ang magdala nito eh dalawang plastik lang naman! Tss tamad talaga nun.

"Nay may pupuntahan lang muna ako babalik din ako kaagad!" Paalam ko kay nanay pero di ko na sinabi na sa kanila Wayne ako pupunta! Baka kung anong isipin nya!

"Ah sige nak balik ka agad dahil maghahapunan na tayo!" Paalala ni anay.

"Teka saan ba punta mo" tanong nya.

"Ah nay babayaran ko lang ang inutang ko sa mabait na tao na nagpautang sa akin" pagsisinungaling ko dahil hindi naman mabait yung Wayne na yun,may kapalit pa ang pagpapautang nya.

"Ahhh! Ang bait talaga ng tao na yun! Salamat sa kanya hulog sya ng langit!"eww anong 'hulog ng langit' baka 'nilaglag ng langit' dahil sa sobrang bully nya sa'kin.

"Ah-- basta nay di mo naman kilala!" Sabi ko, hay naku! Maka alis na nga baka kung saan pa maka punta tong usapan na toh!

"Sige na nay aalis na ako!"paaalam ko at tuluyan ng umalis! Ginamit ko nalang ang bike kong medyo luma na para mapabilis ako!

Hay! Ang lamig ng simoy ng hangin na humahampas sa akin bawat pag pidal ko!

Malapit na ako sa bahay ni Wayne ng may maaninag akong dalawang kotseng nakaparada! Lah? May bwisita ata sila! Ay bisita pala.

"Sino yun?" Tanong ko sa sarili ko dahil may dalawang taong naguusap sa gilid ng puno sa gilid ng bahay ni Unggoy!

Tuluyan na akong lumapit sa bahay ng unggoy na yun! Malakas ang usapan ng dalawa! Kaya maririnig ko!

Paano na yan? Nahihiya pa naman ako baka maistorbo ang paguusap ng dalawa!

"Vincent! I LOVE YOU!" sigaw ng babae---teka alam ko ang boses na yun kay Ariana yun ah! Huh bakit sya nag I love you at kay vincent ba daw!

"I LOVE YOU TOO! ARIANA! TULOY ANG PLANO AH"Sagot ng lalakeng si Vincent daw? Wait? Anong plano?

Para tuloy akong naging cheesemosa dito pero masarap ang cheese ah! Choss .

"Yes babe! Pag naging succesful ang plan ay magdiwang tayo!" Masayang sambit ni Ariana! Tss ano bang plan yun?

"Yeah babe! Basta pag nangligaw sya sayo sagutin mo kaagad para matuloy ang plan!" Wika ng lalake, dami ko ng tanong ah? Sino naman ang tinutukoy nya na sya?

"Yes I know babe! Kaya don't worry! You to be patient para sa ating plan wag tayong magmadali dahil sa gaganaping debu ko ay dapat masaya tayo! " dagdag ni Ariana.

Hah? Magdedebu na sya? Kailan? Sana invited ako para makakain ng marami charot ayaw ko ng tumaba pa lalo!

"Oh wait baka dumating na ang gag*ng Wayne na yun! Bye babe kita tayo mamaya sa condo ko!" Sabi ng lalake na parang nang-aakit dahil malandi ang boses eh!

Naku!  +_____+

"Bye kitakits"sabu ni Ariana sabay halik sa labi ng lalake, hay naku nakakadiri talaga pag may PDA kang makikita sa kung saan-saan.

Grabe ang tagal ng kiss nila! Buti nalang ay natapos na rin eww umalis na ang lalaki kaya ako nagtago baka mahuli ako eh!

Pero di ko masyadong naintindihan masyadong magulo! Ang alam ko lang ay mahal ni Wayne si Ariana, pero bakit naghahabol pa sya kung may boyfriend na pala si Ariana.Nagpapaka martir ang loko!

Umalis na ang Vincent na yun at si ariana ay pumasok na sa loob! 

Maya-maya ay may dumating nanaman na kotse panigurado ay si unggoy na yun!

Lumabas na ako sa tinaguan ko tapos nagbike papunta sa gate nila! Laki talaga ang bahay nila!

"Hi Wayne!" Bati ni Ariana nang lumabas sa kotse si Wayne! Nagpakita ako sa kanila.

"Cath? What are you doing here?" Takang tanong ni Ariana!

"May bibigay lang ako sa unggoy na toh, oh?" Sabi ko sabay abot ng dalawang plastick!

"Cath???" Hala? Tuwang tuwa si purple! Bakit kaya?

"Tara pasok na tayo sa loob! Dinner is ready na! Cath dito ka na ren mag dinner!" Ha? Ayoko baka makita ko nanamang sweet ang dalawa!

Speaking of Sweet? Bakit sila sweet? Eh may boyfriend na tong si ariana ha? Ibigsabihin niloloko nila si ano? Sino ba ulit yun? Siiiii! Ah si Vincent!


"Wag na Purple baka hanapin na ako ni nanay!" Pagtatanggi ko.

"Sus! Ang aga pa kaya tara na! Para may kadaldalan ako haha" aniya sabay hila sa akin kaya di ako nakapalag sumunod na lang ako!

"Tara Cath tabi na tayo!" Aya nya at pinaupo ako sa tabi nya! Daldal talaga
Ni purpe at ang hyper!


"Cath! I want to invite you to my debu! On friday na! Punta ka ah!" Pagiimbita nya, yes makakakain nanaman si ako! Charap charap!

"Sige ba?" Agad kong response

"Ay naku uwian na dahil mauubos ang pagkain dun paano ba naman ang takaw takaw nyang tabatchoy na yan!" Pang aasar ni Unggoy!


Ay naku manong sabatero talaga toh eh! Bigla bigla nalang sisingit! Grr sarap kurutin ang singit nito eh! Ay bastos ka Cath!

"Tss aba'y wag kang ano dyan kung ayaw mong maano!" Banta ko sa kanya!

"Naku! Tama na yan kumain nalang tayo!" Pagpipigil ni Purple.

"Mabuti pa nga mukhang takam na takam na kumain si Tabatchoy eh! Ingat kayo baka ubusin nya ang ulam" pangaasar nanaman nya! ughhh


"Tss baka ikaw pa nga ang makaubos eh!"balik kong asar!


"Hay naku Wayne! Tama na yan!" Pigil ni Ariana at biglang natahimik ang loko! Tss oh pag ibig! Hay naku! Siguro nga gusto ko na sya!

WAYNE I LIKE YOU!



Author's Note: low guys! Musta na mga silent reader!

Nais ko kayong iimvite sa Birthday Party ni Miss Ariana Grande este Ariana Gutierez! Punta kayo ahh! Nang makakain kayo ng marami katulad kay Cath! JOKEEE!

HAPPY NEW YEAR!!!

I fell in love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon