Chapter 39

276 1 0
                                    

A/N: hihihi trip ko lang mag Author's note pake nyo ba? Dedicate ko toh sa Crush ko hihihi!


Date-hate!


Cath's Point Of View

"Pwede bang bilisan natin toh kase may kailangan pa akong puntahan eh..." Nagmamadali Kong sabi, nasa library kami ngayon para sa research namin sa monday,kailangan Kong magmadali dahil nga may date kami ng Unggoy.

"Pwede rin bang huminahon ka para madali tayong matapos?" Iritang sabi ni Abby yung isang kagrupo namin ni Zombie.

"Oo nga para kang uuod na nilagyan ng asin na Hindi mapakali." Natatawa nyang sambit,may gana pang magasar ang loko.

"Tss sigeh na nga bilisan na!" Inis Kong sabi. Hindi ako pwedeng di makapunta dahil nangako ako sa Unggoy na yun baka magtampururot na naman yun.

Nagmadali kami este ako lang pala dahil papetics petics lang tong mga toh por que walang lakad ang mga loko,bwisit!

"Kain kaya muna tayo dahil tumutunog na ang tiyan ko at nangangailangan nya na ng laman, please!" Pag mamakaawa ni Abby, huwaaaat? Daaaa! Hilll!

"Ikaw nalang dahil aalis na ako!" Ani ko at nagayos ng report namin sa Lunes, okay na! Tapos na ako! I'm finished!

"Tapos na ako! Sigeh Alis na ako! Kain nalang kayo ah! Sana mabusog kayo bye!" Nagmamadali Kong sabi tapos biglang Alis.

Lakad takbo ang ginawa ko minsan nga nagjojoging pa ako,marami akong nasasanging tao pero deretso pa din! Go to the flow! Tsaka nakakapag exercise na ako Gosh baka mabawasan na ang taba ko! Yieee!

Agad akong pumara ng tricycle at sinabi kung saan ako pupunta sinabi ko ang Garden Mountain isa itong park malapit sa school,napaka ganda doon perfect para sa magjojowa!

Lamporeber beh!

May fountain,playground,at pang pictic kaya gora na mga besh!

Huminto ang tricycle at bumaba ako pati nagbayad! Mahal naman ng pamasahe bente na agad? Sapakin ko kaya tong driver na toh?

Nagmadali ako pero masyado ng maraming bata ang nagtatakbuhan kaya medyo binagalan ko baka sampalin pa ako ng nanay nito pagnagkataon!

Inikot ko ang paningin ko pero wala sya,Hindi ko sya makita naglibot pa ako nagbabakasakaling Andito pa sya!

Anong oras na ba? Sabay tingin sa wrist watch ko! Ghad! Late ako ng isang oras? Langya! Bat di ko namalayan ang oras!

Naupo ako sa bench dahil nangngalay na ang pala ko kakalakad! Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa at baka tumawag yun!

Pero wala!

Kahit message o kahit missed call man lang wala! Malamang nainip na yun kakaantay, di ko namalayang umiiyak na pala ako! Di ko alam kung bakit?

Tumayo ako at naglibot libot pa baka bumalik yun nakapunta na ako sa garden pero wala! Wala sya! Wayne bat di mo ko inantay?

Bubugbugin ko yun pag nakita ko! Di nya ba alam ang salitang patient?

Nakaramdam ako ng gutom at pagod,matagal tagal na rin akong naghihintay kung babalik pa ba sya dito? At Simula kanina ng umaga di pa ako nagaalmusal!

I fell in love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon