Arrowed 1

76 7 0
                                    

Arrowed 1

Cupid's Arrow

Mataas ang sikat ng araw ng naglalakad ako sa gilid ng field papunta sa next class namin. Mabuti na lang at may ilang punong nakahilera sa gilid kaya kahit papaano may masisilungan rito.

"Prairie!"

Tumigil ako paglalakad at nilingon ang pinanggagalingan ng boses.

Tagaktak ang pawis at hinihinigal pa si Sapphire, ang aking bestfriend na tumigil sa aking harap. Itinuko niya ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang tuhod. Marahas na pagtaas at pagbaba ang kaniyang dibdib.

"Tingnan mo!"

Bago pa ako makaimik ay humarap na sa akin ang isang puting papel na may nakasulat na Cupid's arrow at malaking ekis roon gamit ang pulang tinta.

Kinuha ko iyon sa kamay ni Sapphire at tinitigang mabuti.

"Chelsea Dantes. Siya yung gumawa niyan. Sabi nila, galit na galit daw siya after niyang malaman na yung lalaking gusto niya may girlfriend ng iba and worse, it's Sheena her rival."

Ibinaba ko ang hawak kong papel. Itinuon ko ang tingin sa babaeng nasa aking harap.

Tumango ako kay Sapphire sabay ngiti. I crumpled the paper and put it on my pocket.

"Tara na. Magtitime na. Baka malate tayo..." I said.

Tumalikod na ako para maglakad. Normal akong naglakad ng naabutan ako ni Sapphire. She looked at me with disbelief. Ngunit hinayaan ko lang iyon.

"Seriously, Prai? Wala ka bang ibang irereact dyan? Any violent reaction? Hindi ka ba natatakot? Baka huntingin ka nila? Baka mamaya ay malaman nila na ikaw si Cupid at ikaw ang nagmamatch ng mga schoolmates natin-"

Tumigil ako. Muntik ng madapa si Sapphire ng matalim ko siyang tingnan. Iniskan ko ang paligid bago tumingin muli sa kaniya.

"Wala, Sappy. Wala..." sabi ko sa mababang tono. "Walang makakaalam nito kung walang magsasabi, okay? At may tiwala ako sa'yo. You won't probably tell it to anybody?"

Bahagyang nanlaki ang singkit niyang mga mata ng sinabi ko iyon.

"Ofcourse, I wouldn't. Bestfriend tayo kaya naman ako at ikaw lang ang may alam nito..." naiiling niya sabi.

I smiled. "Good."

Nagsimula muli akong maglakad.

"Pero Prai. Nag-aalala lang ako sayo. Papaano kung malaman nila na ikaw nga si Cupid? Gaganti sila sayo at sa sakit sa pusong idinulot mo sa kanila..." Ngumiwi siya.

Cupid's Arrow. Isang programa dito sa school na ipinalaganap. And ako, ako ang Cupid na tinatawag nila. No one knows who really I am. Only Sapphire and I.

Kalat sa buong school ito lalo na sa mga umaasang magkakatuluyan sila ng mga iniibig nila.

I don't know where it started, I mean my ability. Basta noong tumuntong ako ng Junior High School ay naisipan ko lang na isipin na magiging sila sy naging totoo. Noong una ay wala lang iyon sa akin ngunit laking gulat ko ng lahat ng minamatch ko ay nagkakatotoo.

At syempre, ang mga pangyayaring tulad nito ay isang normal na kaganapan lamang. It many years that I did that. There's a lot of haters and fans out there.

Inihipan ng hangin ang aking nakalugay na buhok. Sumabog ito sa aking mukha dahilan para mapatigil ako.

"Sap, pahiram muna ng pampusod." sabi ko habang sinisikop ang bawat tikwas ng aking buhok.

Tumango si Sap at kinuha sa kaniyang palapulsuhan ang itim na tali. Kinuha ko naman kaagad iyon at itinali ang aking mahabang buhok.

"Thanks..." I smiled at her.

Arrowed Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon