Arrowed 29

22 2 0
                                    

Arrowed 29

Kahit ano

Hinintay ko siya na dumating ngunit sa buong oras ng klase ay walang Sapphire na dumating. Ang daming tanong na pumasok sa aking isip ngunit isa lang ang sagot sa mga iyon. Galit siya sa akin! It's my fault, anyway. Pakiramdam ko'y tinraydor ko siya... No! No! Tinraydor ko siya. Siyang bestfriend ko. Alam kong may gusto siya kay Creig ngunit hinayaan ko ang sarili kong magpadala sa aking nararamdaman.

"May practice game kami mamaya... I just thought you want to watch?"

Binalingan ko si Creig. Nakatuon ang kaniyang atensyon sa akin. Nasa isang bench kami malapit sa field. Ang kakaunting sinag ng araw ay tumama sa kaniyang pisngi.

Pinilig ko ang ulo ko. Gusto ko mang tumanggi sa anyaya pero naalala kong wala naman akong gagawin pag-uwi sa bahay. Mag-iisang linggo na rin at hanggang ngayon malamig pa rin ang trato sa akin ni Sapphire. Maging si Ad, Beth at Naz ay nagtataka na rin sa pakikitungo niya sa akin. Wala naman akong magawa.

Sapphire is still mad at me. I understand that. At hahayaan ko muna siya. Siguro naman hindi rin magtatagal bukal sa loob niya na akong kakausapin.

Palagi na rin kaming magkasama ni Creig. Aaminin kong naiilang ako pero hindi ko pa rin maitatanggi mas gusto ko ito. Gusto kong kasama siya. Lagi niya akong inihahatid sa bahay. Minsan pa nga'y hinihintay niya ako sa labas ng bahay namin at susunduin niya ako doon. Wala naman si Kuyang sinasabi kapag nakikita niya si Creig. He's cool with it though.

"Andyan na naman yung manliligaw mo..." tukso ni Naz sa akin.

Nagligpit ako ng gamit nang sabihin niya iyon. Ngumuso ako at tumingin sa banda ni Sapphire. Nakakunot ang noo niya ngunit hindi sa amin nakatingin.

"Hindi ko manliligaw si Creig..." mahina kong sabi ngunit tila hindi narinig iyon ng tatlo.

Naghagikgikan lamang sila. Bumaling ang tingin ni Beth kay Sapphire na tahimik na nagaayos din ng kaniyang gamit.

"Sap, punta kami sa mall. Sama ka?"

Napatigil ako roon. Sinundan ko ang tingin ni Sapphire. Akala ko ay babalingan niya ako ngunit diretso lamang ang tingin niya kay Beth. Walang halong humour sa kaniyang mukha.

"Nah. I'm going with Reese and Chelsea..."

"Ganun ba? Okay then. Let's bond soon... sana." ani Beth.

Sinulyapan niya ako. Kumurap siya at tipid na ngumiti. Lumabas si Sapphire ng room. Wala siyang sinabi matapos noong pagtanggi niya.

I sighed. Simula noong hindi na kami nag-uusap ni Sapphire ay maging sila Ad, Naz at Beth ay iniwasan niya rin. Naiintindihan ko kung bakit siya lumalayo sa akin ngunit sa iba naming kaibigan ay hindi ko matanggap. And... while she's drifting away from us. She became closer to Reese and Chelsea. I don't know when it started pero lagi niya itong kasama.

"Sapphire should accept, na hindi lahat ng gusto niya ay makukuha niya..." naiiling na sabi ni Ad.

Sinipat ako ni Beth. "Matatauhan din iyon, Prai. Bulag lang siya sa katotohanang hindi siya gusto ng taong gusto niya."

"Nakakainis lang siya, e! Simula ng nangyari sa iyon pati kami hindi na rin masyadong pinapansin..." humalukipkip si Naz.

Kinwento ko sa kanilang tatalo ang nangyari dalwang araw matapos silang magtaka sa pakikitungo sa akin ni Sapphire. Noong una ay nagulat sila dahil hindi rin nila alam na may gusto pala si Sap kay Creig.

Kinagat ko ang aking labi. Nakaramdam ako ng hiya sa kanilang tatlo. Ako lang dapat ang hindi pinapansin ni Sapphire. Sana ay hindi niya na dinamay sila.

Arrowed Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon