Arrowed 42
Problem
Dalawang araw na ang lumipas simula nang matunghayan ko ang nangyari sa opisina ni Creig. Ako nama'y hindi na pumasok sa La Acquerello dahil ayoko munang makita si Reese. Fresh pa sa akin ang nangyari. Wala namang ibang reaction si Creig nang sinabi ko iyon.
Tinext ko si Creig kanina na pupunta ako sa kaniyang opisina. I've already made up my mind na hindi na ako magttrabaho sa La Acquerello. Alam kong malaking chance ang papakawalan ko kapag nagresign ako pero sa tingin ko kasi mas mabuti ng ganito. I can apply to big restaurant, as well.
Wala si Mommy pagbaba ko sa sala. Nagulat pa nga ako ng si Kuya ang makita ko. Bihis na bihis siya ngunit hindi katulad ng madalas niya nang sinusuot na suit at slacks.
"You're going out?" he asked me sabay nguso sa damit kong pencil skirt at isang tube top na pinatungan ko ng cardigan.
Tumango ako sa kaniya. "I'm going to La Acquerello. Ikaw? You're going somewhere?" I asked back.
"Dad and I are going to Cavite for a Convention..." sagot niya.
Tumango ako at luminga sa paligid.
"Dad is here!?"
Ngumiti si Kuya at umiling. "Wala pa. Didiretso siya sa Cavite. Mom will be with me. Sayang nga lang, I want to ask if you want to join pero mukhang busy ka rin..." aniya sabay ngiwi.
Bago ako makaimik pa kay Kuya ay bigla naman ang pagtunog ng phone niya. I saw his lips twitched tapos ay sumulyap sa akin.
"Who's that?" taka kong tanong.
Inayos niya ang kwelyo ng kaniyang polo bago sumagot sa akin.
"Wala... Just some personal thing." he said tsaka nagkibit balikat.
Hindi na ako nagtangkang magtanong pa nang nakita kong sinagot na ni Kuya ang tawag sabay tapat sa tenga niya. And before he finally turn his back nakita ko pa ang marahang pagngiti ni Kuya.
Ngumuso ako at malisyoso siyang pinagmasdan. Hmm... I can smell something fishy, huh?
"Hayaan mo na lang ang Kuya mo. He's new at that so..." naging alerto ang katawan ko sa boses ni Mommy sa aking gilid.
Pormadong pormado si Mommy ngayon. Isang kulay puting dress at pinatneran niya pa ng kulay silver niyang mga accessories. Ang singkit na mata ni Mommy ay kasalukuyang nangungusap lalo na ngayong nakangiti siya habang nakatuon rin ang tingin kay Kuya.
Nagsalubong ang kilay ko. "What do you mean, Mom?" I asked her.
Sumulyap siya sa akin habang ang ngiti ay hindi mawala wala. Somehow, I can see Ate Paige on her. Sabi nila, si Ate Paige raw at Mommy ay magkamukhang magkamukha.
My eyes widened nang mapagtanto ko kung ano ang ibig sabihin ni Mommy. Ngumisi ako at ilang beses na umiling, hindi makapaniwala.
"Oh! No, no, no. You're kidding, mom. Kuya isn't inlove!" I said full of amusement.
Tumawa pa ako. Hindi ako naniniwala. Kuya is known as a playboy in town. Kung may title nga lang talaga ay kay Kuya ko ibibigay ang korona ng mga babaero, e kaya imposible ang iniisip ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...