Arrowed 16
Distraction
Tahimik lang naman ang buhay ko. I lived in a simple life. I'm satisfied with what I have; friends, family and being a match maker in my own- secret radio program. Kailanman ay hindi ko naisip na mapapasok ako sa isang gulo o hindi kaya naman ay pampabwiset sa buhay and when I say that, I mean Creig Samaniego.
I wandered my sight within the wide gymnasium. I saw familiar faces but then, those two caught my attention. Kitang kita ko roon si Reese at Cassius. Reese is the cheerleader of our school, she was wearing her uniform. Her long and flawless legs showed. Kahit sa malayo kitang kita ang kutis niyang napakakinis. Indeed, she's too beautiful. Kaya naman siguro, gustong gusto siya ni Creig.
Papatakbong tinungo ni Cassius ang direksyon ng dalaga. He gave mineral bottle to her girl tapos ay may binulong si Cassius kaya nagtawanan sila. I smiled. They look good together and happy.
"Here's my plan." nabalik lang ako sa reyalidad ng biglang magsalita si Creig sa aking tabi.
Nasa taas kami nag bleachers. Habang tinatanaw ang mga tao sa baba.
Tinagilid ko ang aking ulo para makita si Creig. Nagulat ako ng naabutang nakatingin siya sa akin. I gulped. Ngayon ko lang nakita ng malapitan ang lalaki ito. I mean, I even saw his thick eyelashes, his pierced brown eyes, his perfect narrow nose and those red thin lips.
Umiwas ako ng tingin ng tinaasan niya ako ng kilay.
"Are you up for it?" tanong niya.
Nag-aalangan akong tumango. Naramdaman ko ang paggalaw niya sa aking gilid.
"I want you to go near Cassius.. You know Cassius right?"
Muli, tumango ako. Nilandas ko ang mata ko sa kaniya.
"Your younger brother."
Nag-igting ang kaniyang panga. He cursed under his breath. Sobrang hina na akala niya'y hindi ko maririnig.
"Go to Cassius and be a distraction to him. Ako na ang bahala kay Reese. I'll talk to her..."
Kinagat ko ang aking labi habang tinitingnan ang dalawa sa ibaba. Kakabalik lang ni Reese sa mga cheermates niya.
"Huh? Bakit ko pa kailangang idistract si Cassius? Kausapin mo na lang kaya ngayon si Reese..."
He sighed. Umirap siya at lumingon sa pwesto ng babaeng mahal. "I can't. Reese don't want to talk to me..."
Hindi ako umimik. Sa totoo lang, ayoko talagang gawin ang inuutos niya. Ayokong masangkot sa anumang gulo nilang dalawa pero habang pinagmamasdan ko ang masungit na mukha ni Reese at ang panititig niya kay Reese ay hindi ko maiwasang pumayag.
"Yun lang naman ang gagawin ko diba?"
He nodded.
Ako naman ang huminga ng malalim. Tumayo at humarap sa kaniya. He looked up at me.
"Fine! Ako na ang bahala kay Cassius. Basta ba, h'wag kayong magtatagal ni Reese mag-usap." sabi ko.
Ngumisi siya sa akin. Umiwas ako ng tingin at tumango.
"Mauuna na ko... Pag nakita mo na akong kausap siya'y lapitan mo na kaagad si Reese."
Tumalikod ako sa kaniya bumaba ng bleachers. Hinagilap ng mata ko si Cassius. Mabuti na lang at naroon lang siya malapit. May kausap siyang isang lalaki. Hinintay ko munang matapos silang mag-usap bago siya nilapitan.
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...