Arrowed 8

22 4 0
                                    

Arrowed 8

No idea.

My days went well. Kagaya ng sinabi ko kay Sapphire. I am safe and secure. Mukha namang hindi na siya bothered kaya hindi niya na rin ako kinukulit.

Our examination is coming so that night, I never bothered to sleep early. Late na ako nakatulog dahil sa pag-rereview. Tatawagin na lang ako kapag kakainan na kami tsaka ako babalik sa aking kwarto to review.

Nakauwi na rin si Ate from Cam. Sur noong nakaraang araw. Kuya's busy still like that.

"Today's your exam!?" tanong ni Ate.

Kumpleto kami sa mesa maliban kay Daddy. Mommy looked at me. Si Kuya Percy naman ay sumulyap rin sa akin.

"Yes..." maikli kong sabi.

Nakita ko ang marahang pagtango ni Ate Paige sa akin. Nagsimula muli ako sa pagkain.

"Oo nga pala, Mom. Sabi ni Dad he'll try to visit us here..."

Naagaw ang aking atensyon sa sinabi ni Ate Paige.

"Your Dad's quite busy. Pinilit mo ba sya!?" Mommy asked Ate.

Ngumisi si Ate Paige.

"Why would I? Tinanong ko lang siya, Mom. Kung kailan siya dadalaw ulit dito sa bahay!? It's been a month since his last stay here..."

Uminom ako ng tubig. Naeexcite ako bigla sa pag-uwi ni Daddy. Ate's right it has been a month since his last stay.

I've missed my Dad!

"Tara na, Prai. Mahuhuli ka na sa klase..."

Tumingin ako kay Kuya Pers. Bumaling ako kay Ate Paige.

"Sasabay ka?"

Umiling siya. "Susunduin ako ni Dalton."

Tumaas ang aking kilay.

"Dalton?"

Namula si Ate. Umiwas siya ng tingin sa akin. Hindi siya umimik kaya napatingin ako kay Kuya.

He shrugged his shoulder at nauna ng maglakad.

"Mauna na kami Mommy, Ate..." paalam ko bago humalik sa kanilang pisngi.

Sinundan ko si Kuya sa garahe. Pinatunog niya ang alarm at tsaka pumasok roon.

"Is Ate Paige dating Dalton!?" tanong ko kay Kuya habang nagdadrive siya.

Sumulyap siya sa akin at binalik muli ang tingin sa daan.

"I don't have any idea."

Mukhang walang pakealam si Kuya but I know, deep inside. He was curious as well kagaya ko.

Ate didn't shared it with me. Simula noong nagpunta sila sa Cam. Sur ay mas naging close yata sila ni Dalton.

And I know there's something between them.

"I'll tell Dad and Mom to buy me my own car para ako na lang ang magdadarive..." sabi kay Kuya.

Tinanggal ko ang aking seatbelts.

"Tss. Why would you!? You can text or call me anytime you need a driver..."

Ngumisi ako.

"Sus! Kuya, for all I know. Hindi ka makapagchiks ng maayos kapag nagpapasundo ako sayo..."

Umirap siya. Ngumisi naman ako. "Whatever!"

Bumaba ako ng kaniyang sasakyan ngunit bago pa ako makaalis ng tuluyan ay sumigaw pa si Kuya Percy na nag-agaw mg atensyon ng ibang students.

Arrowed Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon