Arrowed 38
Late
Huminga ako ng malalim habang winawala sa paningin ang magarang kotse ni Creig. Nang tuluyan na itong nalunod sa dilim ay tsaka pa lamang nag-sink in sa akin ang lahat.
I'm going to work on his company!
Kinagat ko ang labi ko't napapikit. Sudden emotions rush into me. Tumalikod ako at pumasok sa loob ng bahay.
Hindi ko naabutan si Mommy nang makapasok na ako. Instead, the maids greeted me with a smile on their face.
"Call me when the dinner is ready." utos ko na mabilis nilang tinanguan.
Nang makapasok ako sa aking kwarto ay tsaka ko pa lang naramdaman ang pagod. Damn! Parang kahapon lang, galit lang ako kay Creig tapos ngayon, malalaman ko na lang na magtatatrabaho na ako sa kompanyang pagmamay-ari niya.
Gosh! Is this even real? And I let him tricked me again, for the second time. Damn you, Prairie.
Napatigil ako sa pagsuklay ng aking buhok. Pinanood ko ang aking sarili sa salamin. My hair fell into my eyes na mabilis kong hinawi.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Halo halo ito ngayon. Oo na't alam kong hinayaan ko na naman ang sarili kong maloko pero iba na ngayon. Hindi na ako ang dating Prairie na madaling mauto at masaktan.
People changed and so I am. I am now the more mature Prairie Cecile Villafuerte. At hindi ko na hahayaang maloko akong muli ni Creig. I will make sure that he will never hurt me the same things before. Itatatak ko sa aking utak na, I've signed it just for work. Magttrabaho ako para sa sarili ko at hindi ko isasama ang personal na bagay.
Bumaba na ako nang katukin ako sa kwarto ng aming kasambahay. Diretso sa dining room ako. Ayoko mang bumaba rito ngunit alam kong hindi papalagpasin ni Mommy ang sandaling ito upang ako ay makausap tungkol sa nasabing trabaho ko.
And as usual, si Mommy lang ang naabutan ko sa hapag kainan. Her eyes immediately flocked on mine. I smiled at her before taking my seat on my usual spot.
Kaagad akong dinaluan ng kasambahay namin upang salinan ang baso ko. Inabot ko ang kanin na malapit sa akin. In the middle of that nang magsalita si Mommy.
"How's your meeting with Mrs. Placido?"
I am expecting that question from Mom pero nakagulat pa rin ako sa itanong niya. Uminom muna ako ng tubig bago siya nilingon.
"I've met her Mom. She's the secretary of La Acquerello. And also I've read the contract. Their offer is good." kwento ko.
I saw Mommy nodded.
"La Acquerello is well known for their hotel and resorts. Ang mga feedbacks sa kanilang services ay talagang nakakahanga. And if I am not mistaken, talagang malago ang La Acquerello. They have a branches in Madrid and Paris, I think..." masuyong sabi ni Mommy habang tumatango.
I remained silent. Been shocked with the sudden realization. I shouldn't be shocked in the first place dahil alam ko naman na hindi pipitsugin ang La Acquerello. Hindi lang talaga ako makapaniwala na si Creig ang may ari nun.
"Kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na iinform ka about the offer. Imagine, the well prestigious La Acquerello is offering you a job at ilang buwan din ang hinintay nila sa pag-aantay sayo. You're a great pastry chef kaya maging ang isa sa pinakamalaking kompanya'y inalok ka ng trabaho and that's what I am so proud of you, anak." maligayang tonong saad ni Mommy.
Hirap man sa paglunok ay pinilit ko pa ring bigyan ng isang buong ngiti si Mommy.
I wished that's the real thing. Na magaling ako kaya mismong La Acquerello ang lumapit sa akin. Pero kabaligtaran iyon, mismong La Acquerello nga ang umalok ngunit alam ko na hindi dahil sa potential at skills ko. Kundi dahil kay Creig!
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...