Arrowed 22
Sorry
Parang lumubog ako sa sinabi niyang iyon. Sinubukan kong tingnan si Reese ngunit hindi ako hinayaan ni Creig. Ang bulang kaninang nararamdaman ko ay tila ba nawala na lamang bigla. Hindi ko alam kung bakit at kung ano ba iyon.
"She's gone..." he whispered.
Hindi ako umimik. His grip loosen. Mabilis akong umatras sa kaniya. Doon lamang ako nakahingaa. I didn't know I was having a hard time to breathe.
"Next time, h'wag mo ngang gawin biglaan iyon! Senyasan mo ako." sabi ko.
Nagulat siya sa sinabi ko pero madali rin namang nacompose ang sarili. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Madali akong lumangoy paalis at umahon sa tubig.
Doon ko na lamang muling naramdaman ang lamig ng hangin. Niyakap ko ang aking sarili. May ilan bang gustong kumausap sa akin pero hindi ko na sila inentertain pa. I feel so annoyed. Naiinis ako kay Creig! Naiinis ako sa nararamdaman ko! Dapat yata ay may usapan kami na walang hawakan sa kahit saang parte ng katawan.
Bumalik ako sa lounger. At kinuha doon ang tshirt ko. Gusto ko ng umuwi.
"Where are you going?"
Umirap ako kahit hindi niya nakikita. Gusto ko mang barahin ngunit ayoko nang magkaroon kami ng usapan. Nagpatuloy lang ako sa pagkuha ng mga damit ko. Nang naisuot ko ng lahat ay narinig ko ulit siyang nagsalita.
"Do you want to go home?"
Humarap ko sa kaniya. Nagulat ako ng nakabihis na rin siya. His hair is still damp. Nasa kaniyang kaliwang balikat ang tuwalya.
"Uuwi na ko." deklara ko.
Gusto ko mang sabihan si Sapphire ngunit hindi ko siya mahagilap ngayon. Wala na siya sa pool kaya hinayaan ko na lang. Itetext ko na lang siya mamaya n nakauwi na ako.
"Ihahatid na kita." sabi niya dahilan para mapalingon ako.
"H'wag na. I can go home without you. Dito ka na lang..." I said coldly.
Tiningnan niya ako. Tila nananantya at palipat lipat ng tingin sa aking mga mata. I can looked at him long so I shifted my eyes on my feet.
"Ako ang kasama mong pumunta rin kaya ako rin dapat ang kasama mong umuwi."
Gusto ko mang umayaw ay hindi na ako nagsalita pa. Kung aayaw pa ako ay hahaba pa ang usapan namin. Ayoko ng ganun kaya tumango na lamang ako. Nauna na akong maglakad palabas. Hindi ko na nakita sila Reese at Cassius para magpaalam pa.
Pumara ng taxi si Creig. Lalapit na sana siya ngunit nauna ko ng buksan ang pinto ng sasakyan. Sumalampak ako roon. Umikot siya sa kabila. Narinig ko na lamang ang pagclick ng pinto.
My undergarments are still wet. Maging ang buhok ay hindi ko na chineck pero for sure, sobrang gulo na nito. Hindi ko nilingon si Creig sa aking tabi. I crossed my arms at nilibang ang sarili sa labas. It's dark outside. The city lights shined in every corner of the street.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Creig. Umayos ako ng upo't pasimple siyang tiningnan. Hindi naman siya nagsalita kaya hinayaan ko na lang din.
I just hate his sudden stance. Alam ko naman na may usapan kami, walang problema sa akin iyon but as much as I hate Creig for doing those move I can't help but to hate myself too. Everytime he do that, I can't even control myself. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang nararamdaman ko. Thanks for those novels, though. Sa tulong nila'y nagkaroon ako ng ideya at hindi ako naging mangmang.
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...