Arrowed 45

12 1 0
                                    

Arrowed 45

Leave

Nagkulong ako sa kwarto ko buong araw. Bababa lang ako ng kwarto kapag kakain na tsaka ako papanhik muli at magmumukmok. Nagtataka sila Mommy at Kuya sa akin pero hindi naman sila nagtangkang magtanong pa and that's what I am thankful about.

Inoff ko rin ang phone ko mula pa kagabi pagkauwi ko. I know Creig will call pero ayoko muna.

They kissed! They fucking kissed!

Pinilig ko ang ulo ko sa kabilang banda. Pati ang pagbabasa ko ng pahina ng librong ito'y hindi ko matapos tapos dahil sa iniisip. I groaned at frustration.

Tatlong katok ang nagpatigil sa akin. Nilingon ko ang pintuan ng kwarto.

"Anak... Get out from your room. May bisita ka sa ibaba." boses iyon ni Mommy.

Para akong nasamid nang may sinabi siyang bisita. Ayoko munang makipag usap kahit kanino.

"Pakisabi... busy ako o kaya wala ako, Mom." saad ko sa mababang tono.

"Pero Prairie. He's waiting for you..."

Kumunot ang noo at kaagad na sinaraso ang librong hindi ko man lang maintindihan.

He?

"Creig Samaniego..." pagkukumpirma ni Mommy na animo'y narinig ang pagtataka ko.

Bumilis ang tibok ng aking puso sa imahe ni Creig na nag aantay para sa akin. Ngunit mabilis din itong naglaho dahil sa naalala ko kagabi.

"Tell him... I don't want talk to him, Mom." yun lang ang sinabi ko.

Hindi na umimik si Mommy. Siguro ay wala na ring iba pang choice kung hindi ay sundin na lamang ako.

Ilang yabag ang narinig ko sa labaa ng aking pinto. Guess... Mom went downstairs. I shrugged. Tumayo ako at sumilip sa bintana.

At totoo nga, nakita ko ang pamilyar na pamilyar na kotse ni Creig na nakapark sa labas ng bahay. Kinagat ko ang labi ko at umiling.

Hapon na... kung mageexplain si Creig ay sana'y minabuti niyang kagabi pa pero hindi pinagpabukas niya pa. Sinong hindi maiinis doon?

Kagabi, hinabol pa ako ni Sapphire para ihatid dito sa bahay pero tumanggi ako. Mukha silang may date ni West kaya hindi na ako nagtakang guluhin pa siya.

Padabog akong pumasok sa banyo upang maghilamos. I am done. Kung ayaw niya sa akin edi huwag niya! Pangako pangako pa siya. Hindi niya naman pala tutuparin.

Trust? Damn him!

"Nakakainis talaga!" I murmured while I am staring at the mirror.

Nagpunas na ako ng aking mukha't lumabas na ng banyo. And in my horror, I saw Creig sitting on the edge of my bed. Namumukhang maliit lamang ang kama ko dahil sa katawan niya.

I glared at him like a combat ready to shoot him. Ang mga mata niya'y nakatitig sa akin.

Traydor na puso! Akala ko ba galit ka sa kaniya? Bakit ngayon todo at bayolente ang pagtibok mo?

Naglakad ako malapit sa tukador, hindi winawala ang tingin kay Creig.

"What are you doing inside my room?" I spat.

He moved a bit. Nagtaka ko sa ginawa niya pero hindi pa rin natinag ang masamang tingin ko sa kaniya.

"I cannot contact you... Umalis ka kagabi at hindi mo man lang ako kinausap." He said like he didn't know anything. Like he was too innocent to know that.

Arrowed Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon