Arrowed 21

22 3 0
                                    

Arrowed 21

Don't move

Hindi ko na makita si Creig. Siguro'y nasa mga kaibigan niya o di kaya'y nasa paligid lang at binabatanyan si Reese. Umirap na lamang ako sa ideyang naisip. Bahala nga siya diyan! Ako nga itong namomroblema kung paano ako magpapaliwanag kay Sapphire.

Hawak ko ng mahigpit ang dulo ng lounger. Pinapanood ko ang nagsasayang bisita ni Reese. Talikwas sa nararamdaman ko ngayon.

"Mali ka sa iniisip mo nung nakita mo kami kanina..." ayan kaagad ang nasabi ko.

Sapphire is besides me. Tahimik na nakikinig. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya.

"What was that actually?" her brows furrowed.

Alam ko ang iniisip niya ngayon. She thinks that I have something with Creig. I cant help but to groan. Naningkit lalo ang mata niya.

"Hindi ko dapat 'to sasabihin sayo, e." Kasi ayokong mamroblema ka sa akin.

"Prairie. Just spill it out."

Tumango ako. I sighed deep. Composing myself from whatever it is.

"Creig knows our secret." Nilingon kong muli si Sapphire.

Napasinghap siya sa sinabi ko. Mula sa kaninang matigas na ekpresyo'y ngayon naman ay tila lumambot ito. Umuwang ang kaniyang bibig. Hindi makapaniwala.

"Totoo? Paano? Kailan pa?" sunod sunod niyang tanong sa akin.

"Hindi ko alam kung paano niya nalaman, Sap. Noong nasa Batangas ka nagulat ako nung bigla niya akong kinausap sa canteen. Tapos bigla na lang niyang binanggit na ako si Cupid. He accused me na ako ang dahilan kung bakit si Reese at Cassius na. He wants them to break up and Creig wants Reese back..." paliwanag ko.

Humarap si Sap sa pool tapos ay pinasadahan ako ng tingin.

"Paano mo naman ipapaliwanag iyong kamay niya sa baywang mo?"

I know she'll ask this one.

"He said he'll publicized my secrets kapag hindi ko siya tinulungan... Sap, you know how much I want to keep that as my secret. Dahil alam natin na marami ang pwedeng mangyari kapag nalaman nila na ako nga si Cupid... Kapalit nun, papayag ako na tulungan siyang mabalik sa kaniya si Reese..." I gulped. Kita kong litong lito pa rin si Sapphire. "And about that, that was unplanned, alright. Pero sabi sa akin ni Creig ay papagselosin niya daw si Reese..."

I remembered Reese kanina. Her face was in shocked. Hindi ko alam kung nagulat ba siya na nakita niya kaming magkasama ni Creig o para pa sa ibang dahilan iyon.

Nanahimik ang aking kaibigan. She's absorbing what I've said.

"Do you like Creig?" she asked after the long stretch of silence.

Kumunot ang noo ko. Nakatitig lamang siya sa akin.

Mabilis akong umiling. "No! Paano ko magugustuhan ang lalaking iyon kung ganon ang ugali niya? He only cares about his feeling and doesn't care about people. Ang gaspang kaya ng ugali niya. Tss. Nakakaawa ang mga magkakakagusto sa kaniya."

He's ruthless and careless and I hate the fact na may pang blackmail siya sa akin. Nakakainis! Pwede naman siyang manghingi ng tulong sa ibang babae dyan.

Hindi umimik si Sapphire. Her eyes landed on the waiter. Tumayo siya at kinuha roon ang isang kopita. Mabilis niya itong nilagok.

Ngumiwi ako. "Slow down, Sap. May problema ka ba?"

Arrowed Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon