Arrowed 15

20 4 0
                                    

Arrowed 15

Library

Buong araw walang ibang laman ang isip ko kundi kung bakit at paano nalaman ni Creig ang sikreto kong iyon. Parang sirang plaka sa utang ko ang lahat nangyari. Hindi naman siguro ako tatraydorin ni Sapphire at tsaka malayong sabihin niya iyon kay Creig since hindi naman sila close at mas lalong walang dahilan si Sap para sabihin iyon sa kaniya.

Bumalikwas ako ng upo. Gosh! Hindi ako makapaniwalang pati ang bestfriend ko'y paghihinalaan ko rin.

Kinalimutan ko ang nangyari ngayong araw. Hindi naman nagparamdam sa akin si Creig pagkatapos nun kaya nakalma na rin ako kahit paano. Hindi siya kayang harapin muli.

"Uy, Prai... Gagawa tayo ng research ngayon. Hahanap tayo ng topic natin sa library."

Lumapit sa akin ang tatlong babae. Si Ad, Beth at Naz. Kagrupo naman sila ni Sapphire sa thesis paper namin. Nasa unahang upuan lang namin sila kaya naman kami kami na rin ang magkakagrupo at dahil iyon kay Sap.

Tumango ako. "Sige. Pass muna si Sap, ah."

"Oo naman. May ibang araw pa naman para tumulong si Sapphire." ani Ad.

"Tara na, guys..." anyaya ni Beth sa amin.

Nagsitanguan kami at naglakad palabas ng room. Nagpalingalinga muna ako sa corridor bago sabayan ang tatlo.

"Ang tahimik ngayon ni Cupid, pansin nyo?"

Binabagtas namin ang daan patungo sa library ng magsalita si Naz. Kasabay niya si Ad at nauuna silang maglakad habang ako naman at si Beth ang magkasama sa likod.

"Oo nga. Baka busy? O di kaya naman wala siyang makitang magkakatuluyan ngayon." Tumawa silang dalawa.

Pinilig ko ang aking ulo. Mabuti na lang at malapit na kami sa library. Tumigil ang dalawa. I scanned the library before following the two. Naupo kami sa pinakadulo ng library. Binaba namin ang mga bags namin bago tahimik na tumayo.

"Punta na tayong bookshelves." sabi ni Ad.

"Yeah, kukuha na rin ako ng books para dito na tayo maghanap." ani Beth.

Tumango ako. Gaya ng nangyari, naghanap kami ng research topic namin. Medyo natagalan pa kami dahil hindi kami magkasundo sundo sa kung ano ba dapat ang topic namin. Mahirap talaga pag maraming ideas, hindi magkasundo sundo.

"Bukas na natin gawin yung Inroduction tsaka Literature Review..." sabi ni Ad na ngayon ay sinasalansan na ang mga libro.

"Hay salamat tapos na rin tayong maghanap ng topic..." ani Naz.

Tiningnan ko ang orasan ng phone ko. Alas sais na rin ng gabi. Ilang oras rin kaming narito sa library dahil sa paghahanap ng topic namin sa research. Mabuti na lang at tinext ko si Kuya na malalate akong umuwi ngayon dahil nga dito.

"Uuwi na ba tayo!?" I asked them.

Sabay sabay silang tumango. "Yup. Gabi na rin. Baka hinanap na ako ni Mommy." ani Beth.

Lumabas kami sa library ng tahimik. Tiningala ko ang kalangitan. Lumubog na si Haring araw. Madilim na sa paligid ngunit maliwanag pa naman sa ilang bahagi ng school dahil sa ilaw na nanggagaling sa bawat building. Mayroon pang mga students ngunit iilan ilan na lang. Iniscan kong muli ang buo ng aming eskwelahan bago pasadahan ng tingin ang mga kasama ko.

"Sayang wala si Sapphire. Nakita ko kanina sa library yung crush nya, e."

Ngumuso ako at tumingin sa nasa unahan ko. Humagikgik si Naz habang si Beth at Ad ay pangitingiti.

Arrowed Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon