Arrowed 9

22 4 0
                                    

Arrowed 9

Realization

Hindi ko man ipinahalata ay puno ako ng kaba sa sumunod na araw. Mahirap na. Mas mabuti na iyong handa kaysa sa mga ganito.

Mabuti na lang walang kung anong kaganapan muli ang nangyari sa harap ng bulletin board ng school. Kaya sa araw ding iyon ay nakapagtest ako ng matiwasay at walang gumugulo sa aking isipan.

"Ang hirap ng test. Grabe feeling ko wala akong maisasagot kanina..." katatapos lang ng pangalawang exam namin.

Hindi na ako bumaba since, alam kong maraming students sa cafeteria ngayon.

Mabuti na lang at may baon si Sapphire kaya nagshare na lang kami sa sandwiches niya.

Kumagat siya sa kaniyang sandwich at pailing iling pa.

"Sabihin mo hindi ka na naman nagreview..."

"Grabe ka naman, Prai. Nagreview kaya ako!" Ngumuso siya. Ngumisi naman ako.

"Ows!?"

"Fine! Nagtry akong magreview pero inaantok ako kaya natulog ako kaagad."

Mas lalong lumapad ang aking ngisi.

"Ewan ko ba sayo!? Whenever you're reading, you always end up sleeping..."

Umirap si Sapphire.

"I just don't like reading." aniya.

Tumango ako. Uminom muna ako ng tubig sa aking tumbler bago muling harapin si Sapphire.

"Naiihi ako. Punta lang akong CR..." sabi ko.

Hindi ko na hinintay ang komprimasyon ng aking kaibigan. Tumayo na ako at mabilis na lumabas ng room.

Nang natapos na ako ay naghugas agad ako ng kamay. Iniwan ko ang ibang babaeng nasa loob rin ng comfort room. Kakaunti na lang ang taong nasa hallway kaya nagmadali akong bumalik sa classroom.

"Stop it, Creig. Walang tayo at walang magiging tayo..."

Literal akong napahinto ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Hindi dapat ako makikialam ngunit dala na rin siguro ng kuryosidad ay patago akong dumungaw sa gilid ng hagdanan.

Nanlaki ang aking mata ng makita ko si Reese doon kasama yung lalaking nag-aabang sa kaniya ng nakaraang araw at yung lalaking nakasabay ko sa tricycle dati.

"Break him. Be with me, Reese." puno ng pagsusumamo ang boses ng lalaking iyon.

Ngumiwi ako. Tiningnan ko ang orasan sa aking phone. Mas limwng minuto pa bago magsimula ang klase.

Alam kong masama ang makinig pero napasandal ako sa hawakan ng hagdanan. Maingat na nakinig sa kanila.

"What are you talking about? Can't you understand!? I am happy with Cassius. I am happy with your brother!"

Halos malaglag ako sa hagdanan ng marinig ko ang huli salitang isinatitig ni Reese.

Kapatid? Tila nagpaalala sa akin ang lahat ng nangyari nitong nakaraang araw. Sabi ni Reese ay kapatid?

Ibig sabihin ba nito, kapatid ni Cassius ang tinawag ngayon ni Reese na Creig!?

Nanlaki ang mata ko. I remembered I used to match Reese and Cassius? Ano ang ibig sabihin nito? Cassius' brother is inlove with his girlfriend?

Sa sobrang pagkabigla ko ay hindi ko namamalayang nakagawa ako ng kaluskos. Napapikit ako dahil doon.

"Sinong nariyan!?"

Damn it!

Halos mawalan ako ng hininga ng maabutan ko ang mga matang mapanuring nakatingin sa akin.

Hindi ko mawari ang nararamdaman ko ngayon. Nakatutok ang mata ni Reese sa akin. Hindi ko naman masyadong makita ang mukha noong Creig dahil nasa.likod niya ito at tinatakpan.

"Napadaan lang ako..." tumawa ako para mawalang ang tensyon sa aking katawan.

"Bye!" sabi ko sabay umikot at papatakbong umakyat ng hagdan.

Hindi ko na nakita ang reaksyon ni Reese o nung Creig na iyon. I am all shock and I didn't see it coming.

Kaya pala parang pamilyar sa akin si Cassius dahil nauna ko ng nakita iyong kapatid niya. Magkahawig sila dahil magkapatid talaga silang dalawa.

Kinagat ko ang aking labi. Hindi ko man alam ang buong nangyari pero dama ko na.mayroong namamagitan kay Creig at Reese. Hindi ko lang mawari kung ano?

May gusto ba si Creig sa girlfriend ng kapatid niya!?

Oh god!

"Earth to Prairie Cecile Villafuerte!"

Sapphire snapped her fingers causing me to looked at her.

"You okay? You are spacing out!?" tanong niya sa akin.

Luminga linga ako sa paligid. Bago bumaling muli sa kaniya.

Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin. Nagtataka man ay ginawa niya pa rin.

"Kanina kasi, nakita ko si Reese tsaka yung Creig sa gilid ng hagdan."

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Sapphire.

"Creig!? Kilala mo siya!?" she asked me.

Umiling naman ako. Lumayo siya sa akin upang magkaharap kami ng maayos.

"I don't know him. Narinig ko lang na iyon ang tinawag ni Reese sa kaniya. Kilala ba mo siya?"

Napatahimik si Sap sa tinanong ko. Yumuko siya at pinaglaruan ang kaniyang mga daliri.

"Kapatid siya ni Cassius. Iyong boyfriend ni Reese."

Ngumiwi ako. So, totoo nga? Si Reese at Cassius na?

"Alam mo na si Cassius at Reese na?"

Sumulyap sa akin si Sapphire. Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi.

"You should be updated. Noong nakaraang araw pa naging sila. Bali balita kaya iyon dito sa school. Hindi mo nabalitaan?"

Kumunot ang noo. Lately, I've been busy reviewing kaya hindi ko alam iyon. Gosh!

Umiling ako.

"Anong meron kay Creig at Reese?" tanong ko.

Ngumiwi si Sapphire. Tumikhim muna bago nagsalita.

"Creig Samaniego is Cassius' older brother. Also, Creig is known for being head over heels for Reese..." Lumunok si Sap.

Nanatili akong gulat sa narinig. I didn't know it, alright. Hindi ko alam na masyado aking tutok sa ibang bagay para hindi ito malaman.

"Remembered the guy on the other section last time. Iyong pinagkaguluhan natin?"

Tumango ako.

Sapphire look at me intently. Tila may pinapahiwatig.

"Si Creig iyon. Siya iyong lalaking nasa room nila Reese noon..."

Halos malaglag ang aking panga sa reyalisasyon. Si Creig iyon? Iyong lalaking nakaluhod sa harap ni Reese?

Oh my god! Bakit hindi ko kaagad naman yun? Bakit hindi ko agad siya nakilala? Kahit ang likod niya.

"Prai..." nag-aalangang tawag ni Sap sa akin.

Lumingon ako sa kaniya.

"Siya rin. Si Creig rin iyong naghahanap kay Cupid. Prai, hinahanap pa rin niya hanggang ngayon kung sino talaga ang Cupid na iyon..."

Hindi pa nakakaproseso sa aking sistema ang naunang sinabi ni Sapphire ay mas lalo ulit nagpagulo sa akin ang sinabi niya ngayon.

Arrowed Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon