Arrowed 19

20 5 0
                                    

Arrowed 19

Swimwear

"Pool party iyon diba? Gosh! I need to ready my two piece. I'm sure there would be a lot of varsity there." Sapphire giggled.

She sipped on her drink before smiling like a crazy lady. Nasa bahay kami ngayon. Bukas na ang pool party ni Reese at si Sap ay mukhang excited.

Namataan ko si Mommy na naglalakad patungo sa amin. She's still wearing her red apron at hawak ang isang tray. She smiled at us before serving the newly baked cookies.

"Thanks Tita..." Sapphire said happily.

"You'll going to a party tomorrow?" Mommy asked between her inquisitive eyes.

"Yup, Tita. Don't tell me Prai didn't mentioned it to you?"

Ngumuso ako. Pinanliitan ako ng mata ni Sapphire as if I did something wrong. Humalukipkip ako dahil sa paraan ng tingin niya.

Mommy gracefully smiled. "Oh no! Prairie told me about that, sweetheart. I just want to clear it because Prai doesn't really go into a party."

Yeah, right. Hindi ako mahilig sa kahit anong okasyon. Pili lang naman ang aking pinupuntahan kung mayroon man. And mostly, it's for my Dad's party para sa business niya. Casual lang naman ito. Papakilala ang pamilya niya tapos ay pwede na akong umuwi. I don't like party. Mas gusto ko pa ngang magkulong sa kwarto at magbasa ng libro.

Tumawa si Sapphire. Literal nawala ang mata niya dahil sa pagkasingkit nito. "Oh my bad, Tita. Akala ko po hindi sa'nyo nagpaalam si Prai. Nako! Pagsasabihin ko po talaga siya..."

Umiling si Mommy. Tumingin siya sa akin and smiled.

"Hm. Just enjoy the cookies. If you still want there's more in the kitchen."

"Your cookies are so masarap po. Can I request this, Tita? Ipapatikim ko kila Mommy."

Sumimisim ako sa aking baso. Mommy laughed heartily. She really loves when hearing a compliment, huh? Sino bang hindi.

"Sure, hija. Hayaan mo't ipagbebake ko sila. Ipapadala ko na lang kay Prairie."

Maligayang tumango si Sapphire. Umalis na rin si Mommy matapos ng ilang saglit.

"So, back to the topic. May swim wear ka na ba?"

Halos masamid ako sa aking iniinom sa biglaang tanong niya. Hinawi ko ang aking buhok bago tumango. Kuminang ang mga mata niya sa pagtango ko.

"Of course! I have my board shorts and tee shirt there!"

"What the hell, Prai!" pahisterikal niyang sabi.

Ngumiwi ako at nagtaka sa reaksyon niya.

"What?"

Sinapo niya ang kaniyang noo bago disappointed akong pinasadahan ng tingin. What?

"Ang kajejehan ay binabagayan, alright? You'll going to wear board shorts and tee shirt, really?" Halos matawa siya habang inuulit ang dineklara ko kanina.

Umirap ako at inosenteng tumango. Humagalpak siya ng tawa. Napapanganga lang ako ha ang pinapanood siyang mangisay sa harap ko.

"Knowing Reese Sandoval, she's a cheerleader. For sure, she'll have a huge crowd na invited. Most likely varsity players. Board shorts and tee shirt isn't bagay to that event, ma-oout of place ka!"

Ngumisi si Sapphire. Pinagtaasan ako ng kilay

"So?"

She sighed. Kumuha ng cookies at kinagatan ito.

Arrowed Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon