Arrowed 3

32 4 0
                                    

Arrowed 3

Confuse

"Dito na lang ho!"

Tumigil ang tricyle sa harap ng bahay namin. Malaking gate ang nasa harap nito bago tuluyang makapasok sa bahay.

"Salamat." sabi ko bago pinaharurot ang tricycle niya.

Pinagbuksan ako ng guards nakin ng gate ng makita ako. Binati nila ako.

"Hindi ka sinundo ng Kuya mo?" tanong sa akin ni Mommy ng makapasok ako sa bahay.

Nagmano ako sa kaniya bago ngumiti at umiling.

"Kuya has a date daw." maikli kong sagot.

"Where's Ate, Mom?"

"Nasa kwarto niya. Nagrereview. Can you call her for me, Prai? Tell her na kakain na. And you, change your clothes tapos ay sabay sabay na tayong kumain..."

Tumango ako kay Mommy bago umakyat ng kwarto. Nagbihis muna ako ng pambahay bago kinatok ang kwarto ni Ate Paige.

"Kakain na daw..." sabi ko sa kaniya.

"Alright. Wait lang." sabi nito.

Nang natapos na siya sa pag aayos ay sabay na kaming bumaba.

Naabutan ko si Mommy na nag aayos ng mga pinggan. May mga maids naman kami dito sa bahay but Mommy insist to cook for us.

Dad is the reigning Mayor of Camariñes Sur. Well, kaya naman wala siya rito sa Antipolo.

"Where's Perseus?" tanong ni Ate ng makaupo na kami.

Pinagsalinan ako ng maid namin ng tubig at juice. Ngumiti ako at nagthank you sa kaniya bago salinan namin si Ate.

"May date si Kuya..." simple kong saad.

Nagkibit balikat naman si Ate. Well, sanay na kami sa gawain ni Kuya. He's a fuckboy, literally. May tinatawag pa nga siyang flavor of the week e.

"Kamusta ang school, Prai?" tanong ni Mommy sa akin.

I looked at her. "Okay naman po. Busy na agad kahit na first sem pa lang."

Ngumiti si Mommy. "Aw. It's okay. Basta pa just focus on your studies muna. 'Wag gagaya sa kuya mo."

Humalakhak si Mommy. Nagsimula na akong kumain ulit.

"Mom, Can I visit Cam. Sur with my friends this upcoming intrams? Ayokong umattend ng intrams namin since it will be boring as hell. Can I?"

Ngumuya muna si Mommy si Mommy bago tumango.

"It's okay as long as you wouldn't let your studies hanging."

Naging ganon ang usapan. Mommy is so strict when it comes to school. Dati kasing teacher kaya ganyan. Tumigil lang siya noong pinagbuntis niya si Kuya Perseus.

"Prai, Can I ask you a little favor?"

Kinabukasan iyon. Papasok na ako sa school ng sinabi yon ni Ate.

"What is it?" I ask her.

Tinanggap ko ang inabot niya sa aking mahabang listahan ng puro school supplies. Kumunot ang aking noo.

"Can you buy those for me? It will be a big help, really. Gagabihin kasi ako ngayon since, may hahabulin paakong deadlines. Use my credit card..." inabot niya sa aking credit card niya.

Nagkibit balikat ako. "Alright. I'll buy this before my class. Bye!" ani ko.

Bumaba ako sa sasakyan namin. Tinago ko sa aking wallet ang listahan ni Ate Paige. Pumasok ako sa school at dumiretso ng room.

Arrowed Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon