WARNING: Medyo mahalay.... sa words.
Arrowed 40
Silence
Isang mahabang sofa ang inuupuan namin ngayon. Nagkwentuhan kami tungkol sa buhay buhay namin habang siniserve ang mga drinks na inorder namin kanina. Sobrang dami ko talaga namiss sa kanila. Hindi rin magkamayaw sa tuwa ang puso ko habang nakikitang magkakasama kami ngayon. Saglit ko lang silang naging kaibigan noon dahil hindi ako friendly katulad ni Sapphire pero masaya ako dahil itinuring pa rin nila akong tunay na kaibigan.
Nilingon ko sila West at Sapphire na nasa gilid na upuan. Nakahilig si Sapphire sa balikat ni West at may mahinang pinag uusapan. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila.
Masaya ako dahil hindi ko aakalaing magiging sila pala. Hindi ko man alam ang nangyari ay mabuti na ito para sa kanila.
Madilim ang paligid na hinaluan ng iba't ibang makukulay na ilaw. Iginala ko ang paningin ko aa paligid. Drink poured and I sipped it. Isang hard na alak iyon. Mapait. Iyon ang unang lasang natikman ko. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Ang pait at init ng alak ay umabot sa lalamunan ko pababa sa tyan. Tinanggal ko ang straw na nakalagay doon at sumimsim na.
Muli kong pinagmasdan ang paligid. Sila Ad, Beth, Naz, Sapphire, West ay nagkwekwentuhan sa tabi ko.
"First time mo dito makapunta?" tanong sa akin ni West.
Nakaakbay siya kay Sapphire. Sumulyap sa akin siya sa akin bago nakitawa kay Ad na may binanat na biro.
Tumango ako. "Oo, hindi ba't madalas kayo nila Kuya noong nasa college kayo rito?"
He smiled and nodded. "Yes. Favorite tambayan namin dito. Sayang nga lang dahil plano namin na isama ka dito ng magkakasama pag first time mo..." he said.
Ngumiti lang ako. Nakita kong gumalaw ang ulo ni West at marahang hinalikan ang tuktok ng ulo ni Sapphire na busy sa pakikipagkwentuhan sa tatlo. Umiwas ako ng tingin at muling uminom sa baso ng alak na hawak ko.
Muli akong nagsalin at uminom muli. Hindi ako fun ng alcohol pero habang tumatagal ay naaatim ko na ang lasa nito.
"Dahan dahan lang sa pag-inom, Prai. Hindi ka naman aagawan..." natatawang saway sa akin ni Sapphire.
Uminom muli ako straight from the bottle bago siya nilingon. Ngumisi lamang ako at umiling.
"I want to have fun so sssh!" nilagay ko pa ang daliri ko sa labi para sabihing huwag niya akong awatin ngayon.
Unti unti ko ng nararamdaman ang hilo. Ngunit hindi pinapahalata sa kanila dahil baka awatin muli nila ako.
"West! I want to dance. Tara na!" narinig kong aya ni Sapphire sa boyfriend niya.
Boyfriend. Tss. Bigla kong naalala si Creig. Kung sana ay hindi ko nalaman na niloko lang pala nila ako noon sana ay kami na matagal na. Pero hindi ginago niya ako. Ginago nila ako! Pinagmukhang tanga at pinahiya. Ako naman itong si gaga, go pa rin! Kahit sa una'y may clue ka na na ayaw nila sayo. Tsk.
Uminom muli ako. Nagtagumpay na si Sapphire na hilahin si West sa dance floor. Nagpaalam naman si Ad at Naz na magccr kaya ako at si Beth na lang ang naiwan dito sa upuan namin.
Nilingon ko siya. Juice lang ang nasa harap niya kaya kinalabit ko siya.
"Hindi ka iinom? Hindi ka sasayaw?"
Umiling si Beth. "I don't drink and I don't dance, Prai." she answered.
Napailing na lamang ako sa kaniya. Natawa ng bahagya. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Same old Elizabeth..." I said.
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...