Arrowed 12

23 4 0
                                    

Arrowed 12

Knows.

Kitang kita ko ang masungit na mukha ni Creig habang kinakausap siya ng kanilang coach. Para akong naestatwa sa aking kinakaupuan.

"Umalis na tayo dito, Sap..." I said.

Binalingan ko ang kaibigan. Kumunot ang noo niya.

"Are you scared!?"

Hindi ako nagsalita. Am I scared? Am I really scared? Bakit ako matatakot? Wala dapat akong katakutan. This is just a normal situation. Hindi dapat ako kabahan o ano pa.

Wala akong ginagawang masama sa kaniya. And matter of factly, hindi ko ginustong bastedin siya ni Reese para sa kapatid niyang si Cassius.

Pinanliitan ako ni Sapphire ng mata. Like she's not amused with my reaction.

"He doesn't know anything about you, Prai. Isa pa, kalma ka lang. Manonood lang naman tayo."

Tama! Wala siyang alam, nothing more. Siguro pa nga, hindi niya alam na nageexist pala ang isang tulad ko. He doesn't know my name, okay!?

Kinagat ko ang aking ibabang labi bago tumango.

Binalik ko ang aking tingin sa gitna ng gym. Kumaway pa sa akin si West. Napadaan rin ang tingin ko kay Kuya Percy. Kalmado ngunit nakataas ang kaniyang kilay habang pinapasadahan ako ng tingin. I smiled at him.

Hindi na siya nakalapit dahil sila na ang pinasok sa game. West and Kuya at ang iba pa ay nasa isang team while, sila Creig ang kalaban nila. Nilibot ko ang paningin sa gym. Bilang rin ang mga narito. Mostly, babae at sumisigaw ng pangalan ng mga players.

Na kay West ang bola. Nagddribble siya ng bigla siyang hinarangan ni Creig. Ngumisi si West tapos ay mabilis na lumiko. I didn't see it coming, ang alam ko na lang Creig is noe dribbling the ball.

"Go Creig!" Sapphire cheered.

Nanlaki ang aking mata ng mapatingin si Creig sa pwesto namin. Para akong binuhusan ng tubig habang nakatingin sa mga mata niya. Damn! Umiwas ako.

"You're cheering him." ani ko.

Ngumisi si Sapphire. Hindi ko alam kung nananadya ba siya o talagang gusto niya lang icheer si Creig pero gosh! hindi ba siya inform na bulto bulto ang aking kaba.

"Magaling naman si Creig, why not cheer for him." aniya.

Umiling na lamang ako. Mas lalo pang nagcheer si Sappy ng nashoot ni Creig ang bola. Points for their team!

This time, si Kuya naman ang nakakuha ng bola. Nagkascore din ang team ni Perseus.

Hindi ko maiwasang madala sa game nila dahil parehas magagaling ang mga players. Saktong pagkatime out ay nilapit ako ni Kuya na pawis na pawis.

"Why are you here!?" he asked me.

Umirap ako at ngumisi. "To watch? West invited us though..."
Tumango si Sapphire.

Tumayo ako para kuhaan si Kuya ng mineral bottle. Kanina ko lang napansin na may cooler sa tabi ko. Kumuha ako ng isa roon bago iabot kay Kuya. Kinuha niya naman agad at nilagok ito.

"Kung pupunta pala kayo. Sana ay tinext mo na lang ako pata ako na ang nagsundo..." pailing iling niyang sabi.

"Ayokong pinopormahan ka ng West na yan!"

Ngumiwi ako. Halos mapasapo ako sa aking noo sa huli niyang sinabi. Mabuti na lang at hindi nakikinig sa amin si Sapphire ng sinabi iyon ni Kuya.

Naramdaman ko ang bilog na bagay na gumulong sa aking paanan. Yinuko ko iyon. Kukuhanin ko na sana para ibigay kung kanino man ng may magsalita si Kuya.

Arrowed Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon