Arrowed 27
Scared
Parang sirang plaka na paulit ulit na nanunumbalik sa akin lahat ng nalaman ako about Sapphire's feeling towards Creig. Paulit ulit ko ring tinatatak sa isip ko na kailangan kong itigil kung ano man ang nararamdaman ko dahil alam kong hindi ito maganda.
"I am so guilty. Hindi ko man lang sinabi sayo ng maaga kasi I'm so shy. Tsaka ayokong isipin mo na I am one of those crazy girls na gusto si Creig..."
Nilingon ko si Sapphire. Ngumiti ako sa kaniya.
"Hmm. My favor sana ako, Prai." naging seryoso ang kaniyang boses.
"Ano yun?"
"Ilakad mo naman ako kay Creig, o! Pero kunwari hindi ko hiningi sayo yun, a." sabi niya tsaka namula.
Hindi ako umimik. Seeing my bestfriend happy is everything. Mahal na mahal ko si Sapphire and I can't be that heartless brat na aagaw sa kasiyahan niyang ito.
Umupo ako sa bench sa ilalim ng puno. Dito ay tanaw ang malawak na green field ng paaralan. Ang lahat ng negatibong pakiramdam ay nagpatong patong sa aking sistema.
"S-sige. Ako ang bahala sa'yo..."
Sa narinig niyang iyon ay mas lalo siyang nasiyahan. I tried to smile. Sana lang ay hindi niya mahalata.
"Hey!"
Nagtama ang mata namin ni Creig. Ang hangin ay hinipan ang kaniyang buhok. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. He's eyes are drowning me. Umiwas kong tingin ng maalala ko si Sapphire na sa aking tabi.
"Anong ginagawa mo rito?" I asked without looking.
Sinipat ko si Sapphire. She's watching me. Kinagat ko ang aking dila para pigilan ang kung ano sa aking sistema.
"I just want to see you..." he uttered a word without even riving it.
Nagkagulo na naman sa aking loob ng tyan ko. Kinagat kong muli ang aking dila para pigilan ang sarili sa pagngiti.
Umiling at tumayo. "Kung balak mo akong ihatid ulit sa bahay ay hindi na muna... Sasabay ako kay Sapphire." turo sa kaibigan.
Bahagya pa siyang nagulat. Maging si Creig ay hindi nagsalita. Tumango lamang siya at seryosong tumingin sa akin. Nawala ang kaninang ngiting mayroon siya.
"Sige. Mauuna na kami..." bumaling ako kay Sapphire. "Tara na!"
Una akong tumalikod. Sumunod sa akin si Sap. Napatigil lang ako ng marinig ko ang pamilyar na boses mula sa aming likod. Tumigil ako at pasimpleng tumingin roon.
"Kanina ka pa hinahanap ni Coach Stan..." malumanay na boses ni Reese iyon. Sa likod niya ay si Chelsea.
"Susunod na rin ako." matigas na boses naman iyon ni Creig.
Mabilis akong umiwas ng tingin ng tumingin siya sa akin. I clenched my jaw. Sinipat din ako ni Reese na nagulat pa sa aking presensya.
"Ba't tayo aalis kaagad?" bulong ni Sapphire sa akin.
Nagsimula na akong maglakad habang nakasunod si Sapphire.
"Sayang! Pagkakataon ko na yun, e!" aniya.
"Prairie! Balik tayo. Baka mamaya agawin ni Reese si Creig ulit."
Tumigil ako.
"Hindi! May boyfriend na si Reese kaya h'wag kang mag-isip ng ganyan..."
"Pero Reese! Mas maganda pa rin yung sigurado..." she said.
Umiling ako. Bago pa ako muling makapagsalita ay kinain na ng baritonong boses na iyon ang boses ko.
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...