Arrowed 30
Durog
Sumilay ang ngiti sa labi ni Sapphire. Pumungay ang kaniyang mga mata. Ngunit mabilis din itong bumalik sa dati. Tumitig siya sa akin, tila may hinahanap sa pares ng aking mga mata.
Bigla akong kinabahan doon. Pinilig ko ang ulo ko para tanggalin ang nararamdaman ko pero mas lalo lang yatang lumala.
"Stop seeing Creig from now on. Iwasan mo siya! Layuan mo na siya, Prai." mariin niyang sabi.
Laglag ang aking panga sa sinabi niya. Bumundol ang kaba sa aking dibdib. Hindi ako makahinga. Hindi ako makaimik. Naputol lamang ito nang bahaw na humalakhak si Sapphire.
"Come on. I know you can't do that... I am not important to you either our friendship." mapait niyang sabi.
"Hindi totoo yan!" sabi ko nang makabawi na ako.
Humalukipkip siya.
"Then, prove it to me! Layuan mo si Creig!" tumaas ang tono ng kaniyang boses.
Napitlag ako. Nakatitig lang siya sa akin tila desperada. Kinagat ko ang aking labi. I like Creig but I don't want our friendship to be ruined.
May bumara sa aking lalamunan. Lumunok ako. Bumaba ang tingin sa pagkaing nakahanda sa aking harap. Ni hindi ko ito magalaw. Ni hindi ako makaramdam ng gutom.
"Kung lalayuan mo siya... Magbabalik tayo sa dati." dagdag niya pa.
Suminghap ako't bumaling sa kaniya. Nangingilid na ang luha ko. Pinapapili niya ba ako? Pinapapili kung sino ang mas matimbang.
"S-sap..." suminghot ako.
Please luha, h'wag muna kayong bumagsak.
Huminga siya. Umiwas ng tingin sa akin. Kagat kagat niya ang kaniyang labi.
"Nauna akong magkagusto kay Creig and I never like this way before... Kaya pakiusap, Prai. Ipaubaya mo na lang siya sa akin tutal hindi ka pa naman gaanong nahuhulog sa kaniya. H-hindi tulad ko!" nabasag ang boses niya.
Nagulat ako ng bumagsak sunod sunod ang mga luha niya. Sapphire is crying! Sumikip ang dibdib ko.
"P-please, Prairie. Gustong gusto ko si Creig. Ipaubaya mo na lang siya sa akin. I-I can treat him better." aniya.
Hinawakan niya ang kamay kong namamahinga sa lamesa. Pinilit kong hindi lumuha. Sumasakit lalo ang dibdib ko.
"P-please..." she pleaded.
I can see that she's desperate. Gaano niya ba kagusto si Creig at kaya niyang umiyak ng ganito? Hindi ko matandaan kung kailan umiyak ng ganito si Sapphire. She rarely cry infront of me. Kaya habang nakikita siya ngayong nagmamakaawa ay hindi ko kinakaya.
Nasusukat nga ba talaga ang pagmamahal? Kung oo, hanggang saan at paano? Gaano ko nga ba kagusto si Creig? Hindi ko alam... Ang alam ko lang I'm happy when I'm with him.
Alam kong bata pa kami masabi ko ito pero gustong gusto ko siya. Magbabago ang panahon. People will change and so feelings are. Maaari bang magbago ang nararamdaman ko, maging si Creig. Isang kamalian ang magkagusto sa kaniya. He never like me first anyway.
Si Sapphire ang kaibigan ko. She's infront of me begging. Hindi ko kayang tanggihan siya. Ang I felt sorry for her. Siguro kapag ginawa ko ang tama'y gagaan din ang pakiramdam ko.
Masasaktan ako pero hindi rin ito magtatagal.
Masasaktan ako pero may mga taong magsasaya.
Sometimes, all you need to do is to sacrifice for the people you love.
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...