Arrowed 5
Hitting
Sabi sa amin nung teacher namin sa Philosophy ang tao ay walang kakuntentuhan. Kahit na nasa kaniya na ang gusto niya ay maghahangad pa rin siya ng ibang bagay na mas mataas sa kung ano ang mayroon siya ngayon.
Kaya ganon na rin siguro, ang mga tao sa paligid. Kahit na masaya na sila sa kung ano ang nasa kanila ay ipagpapalit pa rin nila ito sa mas angat.
I don't blame them. Sino ba naman kasi ang tatanggi sa bagay na mas better kaysa sa mayroon ka ngayon. Sino ang tatanggi sa pag-uupgrade?
Sino ang hindi tatanggi sa piso laban sa isang libo? Sino ang tatanggi sa pagiging una sa klase laban sa pang huli? O kay naman laban sa maganda at makintab na sapatos galing sa okay lang.
"Huy! Ang lalim naman ng iniisip mo!" natatawa akong hinampas sa balikat ni Sapphire.
Tumingin ako sa kaniya. Kakatapos lang ng programa ko sa radio. Nang bigla kong maisip ang mga iyon.
I looked at Sapphire. Sa mundo ng pagkakaibigan kaya naming dalawa. Posible kayang ipagpalit at iwanan ako ng pinakamatalik kong kaibigan para lang sa isang bagay?
Posible ba na hindi siya kuntento sa pagkakaibigan namin at maghanap siya ng ibang kaibigan?
"Penny for you thought. Yoohoo! Earth for Prairie Villafuerte."
Ngumuso ako kay Sapphire. Huminga ako ng malalim at tumayo.
Tinanggal ko ang aking headphones.
"Uuwi na ba tayo kaagad?" tanong ni Sapphire sa akin ng makalabas na kami ng radio room.
Tumingin ako sa kaniya. Wala na siyang suot na vest katulad ko.
Tiningnan ko ang oras sa phone. Alas tres pa lang ng hapon. Maaga kaming natapos dahil vacant lahat ng subjects namin. Abala sa program na mangyayari sa school.
"Oo sana. Bakit?"
Ngumuso siya. Tumaas naman ang kilay ko.
"Mall muna tayo! Nagugutom na ko. Gusto ko ng pasta..." aniya.
"Huh?" nag-isip pa ako.
Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong gagawin ngayon. Muli kong binalingan si Sapphire na nag aabang ng aking sagot.
"Sige na nga! Hmm. Itetext ko muna si Kuya baka mamaya ay magkasalisi kami." sabi ko.
Tila nagliwanag ang mukha niya sa narinig.
"Yehey! Ako rin itetext ko si Daddy..."
Nilabas ko ang phone ko at nagtipa ng mensahe para kay Kuya.
Ako:
'Wag mo na akong sunduin. Mag-malling muna kami. Pasabi kay Mommy. :)
Kuya:
Who's with you?
Kumunot noo ko at muling nagtipa ng panibagong mensahe.
Ako:
Si Sapphire. Kami lang dalawa. Promise!
Kuya:
K.
Naningkit ang mata ko sa reply niya. Seriously, Perseus Villafuerte?
"Huy. Anong nangyari sa'yo? What's with that face? Hindi ka pinayagan?" sunod sunod na tanong ni Sapphire sa akin.
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...