Arrowed 4
Perseus
"Ba't ka nagmamadali? Hindi ba tayo pupunta dun sa radio program mo?"
Humina ang boses ni Sapphire sa huling salita.
Isinakbit ko ang aking bag bago ipinakita sa kaniya ang mahabang papel na ibinigay sa akin ni ate kanina.
"Hindi muna siguro. Si ate kasi... inutusan akong mamili ng school supplies na gagamitin niya. Wala kasing time kaya ako na lang ang bibili. Bakit?"
Nag-aalangan siyang tumango sa akin.
"Wala naman. Nagtanong lang kasi para maitext ko yung sundo ko sana na mamaya na lang ako sunduin..."
Ngumiti ako. "Bukas na lang siguro."
Nilagay ni Sapphire ang kaniyang mga kamay sa likuran. Ngumiti siya sa akin.
"Sige sige, bukas na lang. Tara na!" aniya.
Ngumisi ako. Bakit kaya mukhang excited itong babaeng ito ngayon?
Sayang nga lang at may inutos si ate sa akin ngayon.
Sabay kaming lumabas ng classroom ni Sapphire. Naabutan pa nga namin Reese may kausap siyang lalaki ng matangkad. Nakatalikod siya sa amin kaya hindi ko makita ang itsura niya.
Hindi naman siya yung lalaking nasa room nila Reese kanina.
Mukhang masinsinan silang nag-uusap kaya tahimik kaming dumaan ni Sapphire. Hindi niya naman yata napansin iyon kaya dire diretso lang siya.
"Ano kayang nangyari kanina?" tanong ni Sap ng mapang abot na kami sa gate.
I shrugged my shoulder. Tiningnan ko ang oras. Alas dos pa lang ng hapon at ang sikat ng araw ay masakit pa sa balat.
"Hindi ko alam..."
Ngumuso siya. Halatang curious na curious kung ano talaga ang kinalabasan kanina.
"Hindi ka ba sasabay sa amin? For sure, Dad will drop you off sa Mall."
Umiling ako. Dumating na yung Van nila Sapphire.
"Hindi na. Susunduin ako ni Kuya ngayon. Sa kaniya na lang ako magpapahatid sa Mall..." tumango siya.
"Sige. Ingat ka ha!?"
Tumakbo na siya papasok sa loob ng Van. As usual, ako na naman ang naiwan dito sa shed. Mabuti na lang at marami pang estudyanteng naglalabasan.
Palinga linga ako sa paligid. Inaabangan ang sasakyan ni Kuya.
Nako! Kakalbuhin ko talaga iyong si Kuya Perseus kapag pinag antay niya ako ng matagal dito.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa. Nagtipa ako ng mensahe sa kaniya.
Ako:
Nasan ka na? Bilisan mo, Kuya. May pinapabili pa sa akin si Ate Paige.
Umupo muna ako sa upuan bago luminga linga. Pudpod na ang aking swelas sa kakakiskis dahil sa pagkainip kay Kuya.
Napatingin ako sa dalawang taong kakalabas lang ng gate. Si Reese iyon at yung isang lalaki kanina.
Nakatingin lang ako doon sa lalaki. Dahil ngayon ay malinaw ko ng nakikita.
Gwapo. Yun ang una kong napansin sa kaniya. Matangos ang kaniyang ilong, he has broad eyes, makapal ang kilay at clean cut ang buhok.
Kung hindi ako nagkakamali ay may kahawig siya. Hindi ko lang maalala kung sino.
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...