Arrowed 28

19 3 0
                                    

Arrowed 28

Saan pupunta?

Kung p'pwede lang talaga akong maging invisible ay nagawa ko na. Dalawang araw ko ng iniiwasan si Creig at kung paano ako nakakatagumpay ay hindi ko alam. Pinag-isipan ko ang magiging desisyon ko.

Mas pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan namin ni Sapphire. Ang nararamdaman ko ngayon para kay Creig ay katiting lamang at maaari pa itong mawala. Kaya habang maaga pa at hindi pa ako tuluyang nahuhulog ay pipigilan ko na. Sabi nga nila, prevention is better than cure.

"Wala daw tayong defense kaya kailangan nating magcelebrate!" ani Sapphire sabay tingin sa akin.

"Oo nga! Grabe. Hindi ko alam feeling na magdefense at ayoko munang maranasan..."

Ang ingay ng apat at puno ng mga pasasalamat na naririnig ko.

"Tara na, Prai?" aya nila ngunit mabilis akong umiling.

"Pass muna ako. Uuwi ako ng maaga, e." sabi ko.

"Huh? Kahapon tsaka noong isang araw umuwi ka ng din ng maaga... Pati ba naman ngayon?" si Beth tsaka naghalukipkip.

"Prai? Okay ka lang ba?" hinawakan ni Sap ang aking braso.

Ngumiti ako sa kanila. Dalawamg beses na akong umuuwi ng mas maaga. Wala naman silang problema sa pag-uwi ko. Ngayon lang!

"Okay lang ako... Nagtext kasi si Mommy sa akin ngayon may pupuntahan daw kami kaya next time na lang sana..." I lied.

Hindi naman talaga sa akin nagtext si Mommy. Ang totoo'y gusto ko lang iwasan ulit si Creig. Ayaw ko muna siyang makita. Ayaw kong magduda si Sapphire. Ilang beses na din akong tinitext at tinatawagan ni Creig pero niisa wala akong sinasagot.

"Sige na nga! Sa susunod sumama ka na sa amin, ha? Wala ng pass pass!" ani Ad sabay nguso.

Tumango ako. Nakatingin lang sa akin si Sapphire. Mukhang binabasa ako ngunit nginitian ko na muli siya.

Matapos kong magpaalam sa kanila'y mabilis akong lumabas ng room. Tahip tahip ang kaba ko habang iniiscan ang paligid. Nakayuko ako habang naglalakad. Nang nasa labas na ako ng gate ay hihinga na sana ako ng maayos dahil sa wakas ay hindi ako naabutan ni Creig pero laking gulat ko ng may biglang humila sa akin.

Sa pamilyar na amoy pa lang na iyo'y alam ko na kung sino ang taong humila sa akin. Nagpatianod ako sa paghila niya. Nang nasa parking lot na kami, doon niya lang ako binitawan.

Isang mura ang pinakawalan niya. Dahilan upang napaatras ako. Kitang kita ko ang halo-halong emosyon sa kaniyang mga mga galit, pagod, poot at pagtataka.

A shrudder ran through my system as I looked into him. Hindi ako umimik. Hindi ko magawang magsalita dahil pati ang aking dila ay umurong din.

"You're avoiding me."

Napatalon ako sa malamig niyang boses. Hindi iyon tanong, deklara niya iyon.

"N-nagkakamali ka..." sabi ko, kinakabahan.

Umigting ang panga ni Creig. He advanced dahilan para umatras muli ako.

Shit! Shit!

"You aren't replying my text even my calls. Hindi kita nakikita sa school at sa tuwing nagtatama ang mata natin, umiiwas ka. Now, tell me! What does it means?" His deep and cold voice lingered on my ears.

Suminghap ako. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Alam kong tama siya, iniiwasan ko siya at hindi ko maatim na titigan siya.

"Busy lang ako-"

Arrowed Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon