Arrowed 20
Party
Mataas na ang araw sa labas nang magising ako. Hindi naman ganong kahalata gawa ng madilim pa sa kwarto ko. Nang natapos na akong paghilamos at pagtootbrush ay bumaba na ako para mag-almusal. Malayo pa lang ay rinig ko na ang mga boses mula sa dining area.
"Good morning..." mababang tono kong bati sa kanila bago inurong palabas ang upuan upang makaupo.
Kaagad naman akong sinalinan ng kape ng kasambahay namin. Inabot ko ang toasted bread ng magsalita si Mommy.
"Anong oras ang party na pupuntahan niyo?"
Kumagat muna ako sa tinapay bago lingunin ang aking ina. Her ash brown hair shines as she titled her head on mine. Kapansinpansin din ang high cheekbone ni Mommy. Her eyes are chinky as Sapphire dahilan upang masabing may dugo siyang chinese.
"Uh... You're going to a party?" bago pa ako makasagot kay Mommy at nagtanong naman si Kuya.
I shifted my eyes on him. His eyebrows furrowed. He's obviously displeased on what he'd heard. Ate on his side, is busy eating. Tila wala namang problema sa gagawin ko or sa narinig niya.
Tumango ako kay Kuya. He watched me as I make a move.
"Yup. Birthday ng girlfriend ni Cassius Samaniego. Invited kami ni Sapphire..." sabi ko sa kaniya.
His expression did not changed. Sumimsim siya sa kaniyang mug.
"And you didn't tell me?"
Oops- And there his "kuya" side again. Ngumisi ako sa kaniya. Ang mukha niya'y hindi maipinta.
"Sinabi ko naman kay Mommy, e. Tsaka busy ka kaya sa pambababae."
Humalakhak si Ate Paige dahilan para mapatingin kami. Umiling siya.
"Come on, Pers. Hayaan mo na si Prai. Dalaga na 'yan. Malamang ay hindi lahat sasabihin niya sa'yo." aniya.
"Kahit na. I am his brother." Umirap si Kuya.
Ngumisi lamang si Ate sa kaniya. Nilingon ko si Mommy na pinapanood naman kami.
"The party will start by 6, Mom." sagot ko sa tanong niya kanina bago pa magtanong rin si Kuya.
Tumango siya. "Pupunta pa rito si Sapphire o ikaw ang pupunta sa kanila?"
Napaisip ako roon. Hindi ko pa natetext si Sapphire. Siguro ay mamaya ko na lang siya itetext para matanong iyon. Mahaba pa naman ang oras. Pagkatapos kong kumain at masagot ang tanong ni Mommy ay dumiretso ako sa aking kwarto. Hinagilap ko ang aking phone at tinext si Sapphire.
Sapphire:
Baka dumiretso na ako sa bahay nila Reese. Malapit lang naman sa amin, e.
Ngumuso ako. Magtitipa na sana ako ng mensahe ng lumabas ang pangalan ni Creig.
Creig:
Reese invited you, right? Stay at your home. I'll pick you later.
Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko iyon. Ano daw? He'll pick me up later? Ibig sabihin ay pupunta siya dito sa bahay? Bumilis ang pintig ng puso ko. Isinantabi ko na lang iyon at muling binalingan ang phone. Walang pasok si Kuya at Ate ngayon. Pati yata si Mommy ay narito sa bahay. Kapag pumunta siya dito paniguradong magtataka sila.
Ako:
H'wag na. Kaya ko naman ang sarili ko. Ibigay mo na lang ang address ni Reese tapos magpapahatid na lang ako kay Kuya.
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...