Arrowed 33

15 3 0
                                    

Arrowed 33

Welcome back!

Ang araw araw na naging buhay ko sa Madrid ay naging kalbaryo sa akin. Kahit na matagal akong namalagi na rito ay hindi pa rin matanggal tanggal sa aking sistema ang nanagyari sa akin sa Pilipinas.

The trauma I had is still visible.

Kaya siguro, hindi ako masyadong nakikipagkaibigan (just like in my old school). But as time goes by, I learned new things, I learned different things.

Isa na doon ang pagkatuto ko na may iba't ibang uri ng tao. Sometimes, the one who has a resting face is the who you'll be friends pala. Tapos iyong mga maaamong mukha, sila pala iyong may mga masasamang binabalak.

Minsan napapatanong ako. How was them after I left? Kilala pa kaya nila ako o di kaya, naaalala pa kaya nila ako? Siguro hindi na. Siguro kinalimutan na nila ako since, umalis ako ng wala may ibang alam na kaibigan ko kaya matatanggap ko kung ano man ang maging desisyon nila.

Noong naggraduate ako ay hindi nakarating si Daddy. Si Kuya, Ate, Mommy at Tita Amber lamang ang narito. Hindi rin sumama si Dalton dahil busy din siya sa negosyo ng kaniyang pamilya. Nagtry akong magtrabaho sa isang bakery shop malapit sa condo ni Tita Amber since, hindi pa nalalabas lahat ng aking dokumento.

Marami na rin nagpapagawa sa akin at nagpapadesigns ng cake para sa mga big events. May nangongontrata na rin sa akin na mga famous clients.

Unti unti ko na ring natutupad ang mga pangarap ko.

"What are your plans? Uuwi ka na ba sa Pinas?" tanong ni Tita Amber sa akin.

Ilang buwan ko na rin itong pinag-iisipan. Mahigit anim na taon na rin akong nandito sa Madrid. Namiss ko na rin ang Pilipinas. Isa pa, that's my hometown. Hindi ko ipagpapalit iyon dito.

"Oo, Tita. Kinukulit na rin ako ni Ate Paige at Mommy na umuwi na. Isa pa, sabi ng friend ni Mommy. May offer daw sa akin para pamahalaan ang isang napakalaking event. Invited lahat ng business tycoons and artists doon. Opportunity ko na iyon..." sabi ko sabay ngiti.

Tumango naman siya. "Kung sabagay, that's a big break for you. Kahit ano pa yan. I'll support you." aniya.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang sarili sa salamin. After 6 years of being here, I've all got the curves kagaya ng nakikita ko kay Ate Paige. Humaba na rin ang buhok na kailan lang pinagupitan ko ng maikli. Nagkaroon na rin ng natural curls ang dulo ng buhok ko na kulay blond pa rin hanggang ngayon.

"May plano ka pa bang umuwi dito, Prai!? Ikakasal na ako't lahat lahat! Wala pa rin akong marinig na balita na uuwi ka na!"

Ngumisi ako kay Ate. Mukhang nasa kwarto siya ng mag-isa. Nakabusangot sa harap ng screen.

"I'll be at your wedding, ate. Uuwi rin ako matapos kong matapos ang kontrata ko rito." paliwanag ko.

Hawak ko kasi ang isang malaking event dito sa Madrid. Ikakasal ang isang bigatang celebrity at ako ang gagawa ng nagtataasang cake nila.

"Kailan pa yan, aber?" masungit niyang tanong.

I'm happy for my ate. Hindi ko aakalaing sa huli pala, silang dalawa rin ni Dalton ang magkakatuluyan at ikakasal pa. Gusto ko sanang ako ang magdedesign ng wedding cake nila kaao tumanggi si Ate, aniya mas maganda raw kung mag-eenjoy ako at walang trabahong gagawin.

"Next week. Magbobook kaagad ako ng flight, promise." saad ko.

Lumiwanag ang mukha ni Ate. Halos mapunit pa nga ang labi niya sa sobrang stretch.

Arrowed Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon