Arrowed 13

24 4 0
                                    

Arrowed 13

Sabay sabay kaming nagtungo sa dining room. Nauna sila Mommy at Daddy. At kami ang nahuli ni Ate at Kuya.

"You prepared so much. Titingnan ko pa lang ay busog na ako..." kumento ni Dad ng makita niya ang lahat ng nasa hapag.

Si Daddy ay umupo sa dulo ng long table. Kanang bahagi si Mommy katabi si Ate Paige. Habang kami ni Kuya Pers ay nasa kabila at magkatabi.

"Your children are excited to see you, lalo na itong bunso mo." ani Mommy.

Sinalinan ako ng juice ng kasambahay bago si Kuya naman.

Tumawa si Ate. "Mommy's right, Dad. Indeed, a Daddy's girl." sabat ni Ate.

Ngumuso ako. Nakangiti silang lahat. Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Dad. I looked at him.

"I'm so sorry for visiting you rarely. Masyadong marami lamang trabaho sa city hall." aniya.

Uminom ng tubig.

"Ayos lang iyon, Philip. Naiintindihan ka naman ng mga bata. Trabaho mo iyan at kailangan mong pagtuonan ng pansin..." ani ni Mommy.

Inangat ni Dad ang kaniyang kamay at hinawakan ang isang kamay ni Mommy na nakapatong sa lamesa.

"I want to be here but then, hindi ko magawa..." He stopped. Nilibot niya sa amin ang kaniyang tingin. "Perhaps, you want to move in? Doon na lang ulit kayo sa probinsya. May bahay naman tayo roon, hindi ba?"

Naibaba ko ang aking kubyertos sa winikang iyon ni Daddy. Magsasalita na sana ako ng naunahan ako ni Kuya Perseus.

"Aware naman kayo, Dad na nandito ang buhay namin, diba? Yet, we can leave our study here."
Tumango ako. Sang-ayon sa sinabi. Isa pa, nandito ang mga kaibigan namin. Matagal tagal na rin kaming namalagi rito at hindi ko kayang lisanin na lang ito bigla.

Tumango si Dad. Mukhang naiintindihan ang gustong iparating ni Kuya.

"I am just give you an option. And about your studies, you can transferred there. Ayaw niyo ba iyon, na magkakasama tayo?" ani Dad.

Umiling si Ate Paige.

"Hindi naman sa ayaw. Tama si Percy. Nandito na ang buhay namin. We also make friends here and hindi namin kayang umalis na lang..." kalmadong paliwanag ni Ate.

Ngumiti si Dad sabay tango.

"I understand it, alright. Hindi ko naman kayo mapipilit kung ganon..."

Tahimik si Mommy na nakikinig sa amin sa tabi. Kumain muli ako ng magsalita si Dad.

"How are you here, anyway? And speaking of studies, how was it?" tanong niya.

The dinner went good. Puro kwentuhan at catch up lamang ang nangyari sa nga nakaraang buwang wala dito si Dad at kung ano ano pa.

Nagpaalam si Daddy na magpapahinga muna. He was tired because of the trio and agree with it.

"Mamaya mo na kulitin ang Daddy mo, Prai." ani Mommy, nakangiti.

Nasa sala kaming tatlo. Ate's busy watching tv while Kuya's on his phone, texting. Tumabi ako sa kaniya.

"Sino yang katext mo?" tanong ko.

Bumaling siya sa akin. "Schoolmates. Gusto mo ikaw na magreply sa kanila para sakin?"

Ngumisi si Kuya. He wiggles his brows. Kumunot ang noo ko. Hindi ko magets ang sinabi niya.

"Tigilan mo si Prairie. 'Wag mo siyang turuan sa kabulastugan mo, Perseus!" pinandilatan ni Ate si Kuya.

Arrowed Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon