Arrowed 24
Jacket
Umayos ako ng tayo at napadilat ng marinig ko ang mga yabag ng sapatos papalapit sa aking pwesto. Naabutan ko si Creig na tuloy tuloy sa paglalakad. Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan.
His head tilted on me. Tiningnan niya ako.
"Asan ang mga baso niyo?" tanong niya.
Hindi kaagad ako umimik. Kumunot ang kaniyang noo. I sighed before pointing the glasses behind me. Tumango lamang siya at naglakad palapit sa akin.
Nag-ugat ang aking paa sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko siyang nasa aking gilid. Maingat siyang kumukuha ng mga baso.
The memories flashes on me. Iyong si Reese. Iyong sinabi ni West kanina.
I bit my lower lip. Dahan dahan akong humarap sa kaniya. He remained still. Tila walang pakialam sa ginawa kong stunt. Binaba ko ang baso sa lababo.
"Uh, kayo na pala ni Reese? Congrats..." I smiled trying not to sounds bitter.
He stiffened for a minute ngunit madali lamang ay humarap na siya sa akin. I was taken a back. Ngumiwi ako sa ginawa niya. He's taller than me at para akong isang kuting na nasa harap ng isang leon.
"Kailan pa? Hm... Hindi lang ako makapaniwala na kayo na? Nakapagtataka lang na biglang umepic failed yung pagmamatched ko..." I laugh nervously.
Damn his presence!
"You know, mostly kasi lahat ng minamatched ko tumatagal and for Cassius and Reese... I am shook."
Nakangiti pa ako habang minamasdan siya. Talikwas nararamdaman ko ngayon, feeling ko ay unti unti akong nilalamon ng kaba sa aking dibdib. Creig looked serious, no signs of happiness was into him.
He advanced. Napaatras ako roon. Ramdam ko ang malamig na pinto ng refrigerator. Lumingon ako roon, wala na akong maatrasan. I gulped when I stare on his eyes.
"H-hindi mo na kailangan ng tulong ko..." I said.
Hindi siya umimik. Nagkatinginan kami at halos hindi ako makahinga sa iginawad niya.
Nagpalingalinga ako sa paligid. Ready na sana akong umalis sa kinalalagyan ko ngunit natigilan lamang ako ng magsalita siya.
"Hindi kami ni Reese..." he whispered.
Nanlaki ang mata ko. Mabilis rin namang bumalik sa dati. May part sa akin na gumaan. Ngunit, hindi pa rin mawala sa aking isipan na hindi maniwala.
"Sus! H'wag ka nang mahiya sa akin... Um-oo ka na lang."
He looked at me with serious smoldering eyes. I stiffened kung hawak ko ang baso ko kanina ay malamang kanina ko pa rin nabitawan iyon.
Bakit hindi pa siya umamin sa akin. Wala naman akong pakialam kung oo siya, e. Alam ko naman na. Hindi niya na kailangang tumanggi pa.
"I'm not in a relationship with Reese. It's just happened that we've seen together. Sila pa rin ni Cassius."
Umuwang ang aking labi. Hindi ako mapaniwala sa sinabi niya. Nagsisinungaling lang yata siya, e. Bakit parang wala lang sa kaniya iyon?
Bumaba ang tingin niya sa nakaawang kong labi. Umigting ang kaniyang panga. Kumurap ako at sinubukang tumuwid ng tayo.
"Talaga? So, tuloy pa rin ba ang plano mong bawiin si Reese? Tuloy pa rin ba ang pangbblackmail mo sa akin?"
Tila may humaplos sa aking puso. Tila mas gusto ko ang ideyang iyon kaysa malaman na biglaan na lang naging sila ni Reese. Ang gulo ng utak ko. Hindi ko.maintindihan ang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...