Arrowed 14
Condition
Kinabukasan, nakatanggap na lamang ako ng text mula kay Sapphire na hindi daw siya makakapasok ng tatlong araw dahil may family reunion daw sila sa Batangas.
Kaya ang kinahinatnan, mag-isa lang ako ngayon. Hindi naman kasi ako close sa mga classmates ko. Tanging si Sap ang friendly sa aming dalawa. Anyway, I like being alone because I have time to think things.
"Bakit absent si Sapphire?" tanong ng babaeng classmates namin habang nagliligpit ako ng aking gamit.
Nilingon ko siya. "Nasa Batangas. Family reunion daw..." sagot ko.
Nagpaalam rin ako sa kaniya. Mag-isa kong tinahak ang ruta patungo sa cafeteria. Kakaunti pa lang ang mga estudyanteng nasa mga upuan. Mabuti na lang at maaga magpalabas ang teacher namin. Nagtungo ako sa bakanteng table sa pinakadulo ng cafeteria. Nag-order ako at bumalik rin doon.
Kinuha ko sa bag ang novel na binabasa ko hanggang sa mapatalon ako sa gulat dahil sa pagbagsak ng dalawang kamay sa lamesa ko.
Binaba ko ang libro bago tiningala kung sino man iyon. Laking gulat ko ng makita ko ang madilim na mukha ni Creig.
"We need to talk!"
Halos maestatwa ako sa malamig niyang boses. Hindi ako umimik. Tila naging palaisipan sa aking kung bakit gusto niya akong kausapin. Hindi naman siguro-
My eyes widened. "W-what do you want?"
"Follow me. Kung ayaw mong gumawa ng eksena dito..." sabi nito.
Nilibot ko ang aking paningin. Dumami na rin ang nga students at mostly sa kanila ay nakatingin sa amin. Like, they're all curious... like they want to know something. I bite my lower lip. Tinago ko ang aking libro. Hindi ko na nga nagawang ubusin ang pagkain ko.
Kahit na naghuhurumentado ang aking sistema ay nagawa ko pa ring makalakad ng diretso. Tahimik akong nakasunod kay Creig.
Kamuntik na akong bumangga sa kaniyang likod ng tumigil siya. Sa pag-iisip ko ay hindi ko na napansin na tumigil siya mabuti na lang at nabalik rin ako sa reyalidad. Nasa likod kami ng hagdan kung saan nakita at narinig ko sila ni Reese na nag-uusap.
"Tell me... Who are you!?" aniya ng humarap siya sa akin.
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Akala ko ba ay kilala niya na ako? Nagkakilala na kami kaya bakit niya ako tatanunging muli?
"Why are you asking me that? I am Prairie Villafuerte-"
"Don't be sarcastic here!" singhal niya sa akin.
His pierce eyes darted on me directly. Natutusok ako.
"Cupid..." aniya.
Umuwang ang aking bibig sa sinabi niyang iyon. Hindi ako umimik pero alam ko sa sarili kong kinakabahan na ako ng doble.
Shit! Hindi naman siguro.
Kinalma ko ang sarili ko. "Cupid?" tanong ko pa.
Humakbang siya palapit kaya naman napaatras ako.
"Alam kong alam mo ang gusto kong sabihin." malamig niyang sabi.
He stopped. Sinuklay niya ang kaniyang buhok ng mga daliri niya. Sinundan ko ng tingin ang mga kamay niya. Bago siya muling binalingan. Nahuli ko ang kaniyang mga matang seryosong nakatingin sa akin.
Kumalabog ang aking dibdib. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang titigan siya pabalik. Feeling ko kasi anytime ay may masasabi ako sa kaniya.
"H-hindi ko alam kung anong kung gusto mong sabihin. Hindi ako manghuhula..." matapang kong saad kahit na konti na lang ay bibigay na ako rito.
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...