Arrowed 23

16 3 0
                                    

Arrowed 23

Like

Mabilis lumipas ang mga buwan. I can feel the Christmas vibes. Sa malamig na hangin pa lamang na umihiip ay hindi na makakaila. Kaya ng napagkwentuhan namin ay nasa probinsya si Ad, doon daw sila magpapasko. Si Naz at Beth naman ay sa bahay nila. While, Sapphire's in Singapore.

"Merry Christmas, Prairie!"

Prairie was wearing a red dress. Her short hair is in pigtails. Kitang kita ko sa background si Tita. Kumaway pa nga ito sa akin at binati rin ako.

"Merry Christmas din, Sapphire. When you're back here tsaka ko na lamang iaabot ang regalo ko sa'yo." I said.

Tumango siya at ngumiti sa akin. Hindi rin nagtagal ang usapan namin. It's was ten o'clock in the evening. Ilang oras na lamang ay sasapit na ang pasko. Inoff ko ang aking laptop bago ito niligpit.

I looked myself in the mirror before walking out from my room. Sa hagdanan pa lang ay rinig na rinig ko na ang ingay mula sa mga tao roon. The noise was accompanied by electronic music.

Sinipat ko ang nasa baba. My family were all wearing a red tshirt sa gilid nun ay ang maliit na letra ng aming mga pangalan. Nakaugalian na namin ito tuwing magpapasko. Since Mommy wants to be organize, lagi kaming nag-susuot ng pareparehas na kulay at disenyo ng damit.

It's cliche but it's still cute and sweet!

"The gifts are already there. I can't wait to open it." ani Ate.

Tiningnan ko ang lagpas taong Christmas tree. The Christmas lights are throbbing in different colours. Sa ilalim nito ay ang mga regalong sinasabi ni Ate Paige.

"Look who's excited..." ani Dad tsaka ngumisi.

Kakarating lang kahapon ni Daddy para sabay sabay kaming magdiwang ng okasyong ito. Wala rin ang aming mga kasambahay. Mommy said they should take a break since it's Christmas naman and they should enjoy it along with their family.

Dumating pa sila Maiaa, Sici, Bella, Tiana, Carson, Dalton and West dito sa bahay para batiin rin kami. Kaya mas lalo lamang umingay.

"Merry Christmas, Prai. Here's my gift." nilingon ko si West.

Bumaba ang aking tingin sa paper bag na kaniyang hawak. Ngumiti ako sa kaniya at kinuha ito.

"Salamat, West. Uh, pasensya ka na. Wala akong regalo sayo..." nahihiya kong sabi.

Ngumiti siya. "No problem with me. Hindi naman ako humihingi ng kapalit."

Nilingon ko ang maiingay na kaibigan. They all laughing with Carson's joke. Sila Mommy at Daddy naman ay nasa kusina. Kami lang mga kabataan ay narito sa labas ng bahay.

Hindi rin nagtagal ay umalis rin sila. Anila'y bumisita lang sila para batiin kami ng personal. Dumating rin ang iba naming mga kamag-anak, sa side ni Mommy mga pasado alas onse na.

Nasa sala lang ako at pinapanood ang lahat na magkasayahan. Konting catch up sa buhay-buhay at kung ano ano pa.

"5...4...3...2...1... MERRY CHRISTMAS!"

Our house was in blast. Lalo na nung nagcount down kami. Kaniya kaniya silang gawain. Ang iba'y kumain at iba ay nasa labas upang magsindi ng fireworks.

"Tara dito, Prai. Panoorin mo kong magsindi." Ani Kuya Percy.

Tumango ako at lumapit sa kaniya. Nasa tabi namin ay iba naming pinsan.

"O! Mag-ingat ka lang baka pumutok 'to sa mukha mo..." tumawa si Ate Paige sa sinabi ni Kuya sa kaniya.

"Tanga! Kung sa mukha mo kaya iputok ko yang fountain na yan! Kung puputok!" aniya. Tila nanunuya.

Arrowed Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon