Arrowed 32

17 3 0
                                    

Arrowed 32

Madrid

Hirap na hirap si Mommy sa pagtanggal ng pintura sa katawan ko. Yung damit ko naman na suot ay tinapon na dahil mahirap na iyong linisin pa. Hindi naman nagtanong si Mommy sa kung anong nangyari matapos kong sabihin na nabuhusan ako ng pintura.

Ngayon ko lang, naramdaman ang hapdi ng siko at binti ko. Hindi ko naman 'to naramdaman kanina. Matapos lang gamutin ni Mommy ay doon ko lang naramdaman.

Nakatulog din ako matapos ng matinding iyak ko kanina. Nagising na lamang ako ng maingay na tumutunog ang aking cellphone na nakapatong sa ibabaw ng study table.

Tiningnan ko ang mga missed calls at texts. Nagbabasakali akong may text doon si Creig ngunit wala naman. Kinagat ko ang aking labi at pumikit ng mariin.

Tama na nga, Prai. Sinaktan at niloko ka na nung tao hanggang ngayon ay iniisip mo pa rin siya!

Inoff ko ang aking cellphone. Ayaw ko munang makipag usap sa kanila. Kahit kanino. Nahihiya ako. Alam kong galit sila sa akin dahil sa nalaman nila and I can't imagine myself kung pati sila Ad, Naz at Beth ay magagalit sa akin.

Lumabas ako ng kwarto. Sa hagdanan palang ay dinig na dinig ko na ang mga boses nila. Kumunot ang noo ko at marahang bumaba.

"Huminahon ka, Alexandra. Ako na ang kakausap sa kanila." boses iyon ni Daddy.

Nanlaki ang mata ko. Why is he here? Kailan pa siya nakarating? Naputol ang mga tanong sa utak ko nang marinig ko ang boses ni Mommy.

"Huminahon ba kamo, Philip? Paano ako hihinahon kung ganon ang nakita ko kanina. Hindi ako makakapayag na agrabyaduhin ang anak ko!" gigil na sabi ni mum.

Hindi muna ako nagpakita sa kanila. Umupo ako sa baitang ng hagdanan at pinagkinggan sila.

Alam kong masama ang makinig sa usapan ng iba pero hindi na yata maalis sa sistema ko na parating gawin yun. Tss.

"Mommy, tama si Dad. Just chill. Alam kong masusulusyunan naman yan at paparusahan ang sinong gumawa kay Prai." si Kuya Percy iyon.

"Kawawa si Prairie! Pagkarating niya kanina. Punong puno siya ng pintura. May sugat pa siya at umiiyak! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Philip! Gawan mo kaagad ito ng paraan! I need to know who did this to my precious daughter!"

"Huwag kang mag-alala, Alexandra. Bukas ay tutungo tayo sa paaralan ni Prairie."

"H'wag po kayong masyadong maingay. Baka magising si Prairie..."

Doon na namatay ang usapan. Natahimik ang lahat. Pati ang paghinga ko ay muntik ng maputol. Galit na galit si Mommy at hindi ko alam kung anong gagawin ni Daddy. Gusto ko man silang pigilan ngunit hindi ko alam kung kaya kong magkwento ng nangyari sa kanila.

Tahimik akong bumalik sa aking kwarto. Ilang saglit pa ay narinig ko ang mga yabag papalapit sa pinto ng aking kwarto. Naging alerto ako sa katok na iyon. Kaya madali akong humiga at nagtalukbong ng kumot.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Pumikit naman ako at nagkunwaring tulog. Lumubog ang edge ng kama ko sign na may umupo roon.

"What are we gonna do, Philip?" boses iyon ni Mommy.

Nandito silang dalawa ni Dad sa kwarto ko.

"Tone down your voice. Baka magising ang anak natin..." saway ni Dad.

A long stretch of silence came. Tanging ang paghinga lamang ang naririnig ko.

"This is my fault, Alexandra..." mahinang sabi ni Dad.

Arrowed Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon