Arrowed 2
Panyong Pula
I'm an observant. Kaya siguro nagkaroon ako ng kakayahang ipredict kung sino ang magkakatuluyan. Some people will think I am weird, but I don't think so.
People have their own ways to camouflage with their surroundings.
"Ms. Dychingco. Ganon ka na nga ba kahalatang nangongopya at pati ang pangalan ni Ms. Villafuerte ay nakopya mo na..."
Kitang kita ko ang pamumula ng mukha ni Sapphire. Kamuntik na akong mapasapo sa huli sa sinabi ng teacher namin.
"Ma'am, it's an accident po. I was thinking of Prairie that time kaya naman naisulat ko rin ang pangalan niya..."
Gusto ko siyang bigwasan ngayon dahil sa lahat ng reason ay yun pa ang napili niya.
Lame, Sapphire.
"Ms. Dychingco. I am not accepting that as a valid reason..." naiiling na sabi ni Ma'am sa kaniya.
Halatang hindi sang ayon sa lame excuse ni Sapphire.
"I will deduct 10 points for you, Ms. Dychingco... And for, Ms. Villafuerte. I don't tolerate cheating in my class. If you want to be helpful not in terms with this... 15 points deduction for you, Ms. Villafuerte."
Hindi ako umimik. Sinamaan ko na lamang ng tingin si Sapphire na kakaupo lang sa kaniya seat.
Gosh! Ako na nga ang nagpakopya. Ako pa ang nabawasan ng mas malaking points.
"This will serves as your quiz for this afternoon..."
Bumagsak ang aking balikat sa sinabing iyon ni Ma'am. Hindi ako makapaniwalang nabawasan ako ng kinseng puntos dahil lang sa pinakopya ko si Sapphire.
Let say, if we have 20 items quiz. Kahit na maperfect ko pa iyon sy 15 naman ang mababawasan sa akin and the result. I am just getting 5 points.
"Uy, Prai. Sorry na... Hindi ko naman sinasadya na makopya pati pangalan mo, e."
Hindi ko siya pinansin. Kaya walang humpay na kalabit ang ginawa niya sa akin.
"Nice excuse, Dychingco..." Natatawang asar nung isa naming classmate na lalaki.
Nagtawanan sila.
"Shut up." asar na singhal ni Sapphire sa kanila.
"Uy, Prairie. Sorry na. Hayaan mo kakausapin ko si Ma'am na sakin na lang ibawas yung 15 points..." Sinipat ko siya hindi umiimik.
"Hayaan mo. I will also told her na, kinuha ko lang yung notes mo ng walang paalam. Para hindi ka na madamay pa..." Ngumuso siya.
I sighed. Ayoko sa lahat ay ngumunguso si Sap sa akin at nagpapacute.
"'Wag na. Hindi naman kita hahayang mabawasan ng maraming points. 15 points lang iyon. Kaya ko pang mahabol..." sabi ko.
Nakita ko ang pagliwanag ng kaniyang mukha.
"Aray!" daing niya ng pinitik ko ang kaniyang noo.
"Para saan iyon?" sabi niya. Himas himas ang noo.
Umismid ako sa kaniya. "Para sa pagkopya ng pangalan ko. Jusko, Sap. Pag nangongopya kasi h'wag mo ng isama pati pangalan..." Naiiling ko sabi.
Ngumisi siya at nagpacute sa akin.
"Sorry na!"
Ngumisi rin ako. Kahit kailan talaga. Hindi ko kayang tiisin si Sap. She's my everything.
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...