Arrowed 26
Sorry
True to Creig's word. After ng class, naabutan ko siyang nasa labas ng room namin.
"Bakit siya nandito?" tanong ni Sapphire habang nag-aayos ako ng gamit.
Tumingin ako kila Ad na patuyang nakatingin sa akin.
"Ihahatid daw niya ako pauwi..." sabi ko dahilan ng pagkakunot ng noo ni Sapphire.
"Ganun ba?" she asked.
Kinagat ko ang aking labi. Sumimangot si Sap sa akin.
"I'm sorry, Sap. Babawi ako sa'yo next time..." I smiled at her.
She sighed. Lumapit siya sa akin. "Tuloy pa rin ang plano niya kay Reese?"
Nagulat ako sa biglaan niyang pagtanong. Lumayo ng kaunti ang aking kaibigan. Humigop muna ako ng hangin ang bumuga.
Mabuti na lang at lumabas na ng room ang tatlo kaya malaya kaming nag-uusap ni Sap patungkol dito.
"Ang totoo niyan. Hindi niya na daw itutuloy... He already back out, Sap." sabi ko.
Nagulat siya sa aking sinabi. Umangat ang gilid ng labi ngunit kaagad rin itong nawala. Tumikhim siya at sinuklay ang maiksing buhok na ngayo'y unti unti ng humahaba dulot ng panahon.
"You mean suko na siya?"
Tumango ako.
"Kailan mo pa nalaman?"
Sumulyap ako kay Creig sa labas. Kausap niya si Dash na naroon rin.
"Nung Christmas. Sinabi niya sa akin..."
Nanlaki ang mata ni Sapphire bago ngumiwi. "Magkasama kayo nung Christmas day?"
Dahan dahan akong tumango. "It's his birthday." aniya na ikinagulat ko naman.
"Paano mo nalaman?"
Umiling siya at ngumiti.
"Doesn't matter. Tara na?"
Imbes na magtanong ay lumabas na lamang kami ng sabay. Luminga ako sa paligid. Wala na roon si Dash na kanina'y kausap lamang niya. Nasa likod ko si Sapphire ng puntahan ko si Creig.
"Let's go?" aniya.
Tumango ako. Lumingon kay Sap na ngayon ay seryosong nakatingin sa kawalan. Kinalabit ko siya. Doon lamang siya tumingin sa tapos ay kay Creig.
"Come on." aya nito.
Nilingon ko si Creig. He smiled at me before nodding. Nauna akong maglakad. Nagulat na lamang ako ng kuhain ni Creig ang aking bag.
"Kaya ko namang buhatin yan." sabi ko.
Pilit kong inabot ang bag pero dahil sa taas niya ay hindi ko maabot. Ngumuso ako.
"Nah-uh."
Kumunot ang noo ko at tumigil aa paglalakad. Si Sapphire ay napatigil din at tinaasan ako ng kilay. Sinundan niya ng tingin ang bag kong nasa kamay ni Creig.
"Sabi ng akin na, e! Ang kulit mo." asik ko.
Matalim ang aking mga mata sa kaniya. Ngumisi si Creig bago umiling.
"Stop being stubborn. Ang bigat kaya ng bag mo. Dala mo ba buong bahay nyo?" asar niya.
Umirap ako't tinampal siya. "Those are my books!"
Tumawa pa siya lalo. "Let me bring this. It will not hurt you, right?"
Umismid na lamang ako. "Fine!"
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...