Arrowed 39

19 1 0
                                    

Arrowed 39

Realized

Sa pagkakataong ito, umahon ang galit na akala ko'y matagal ko ng ibinaon sa loob ko. Nagngingingit ako sa galit. Ngunit nagagawa ko pa ring kontrolin ang aking sarili.

Tanging ang mga boses lang ng dalawang empleyado ang maririnig sa apat na sulok ng elevator na ito.

"I can see you already knew about what happened years ago." nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Reese sa aking tabi.

Hindi ako umimik. Diretso lamang ang aking tingin sa pintuan ng elevator.

"I bet you also heard, Creig admitted all his fault. Pinagtanggol niya kami dahilan para hindi kami mapatalsik at maparusahan..."

Suminghap ako. Alam ko na sa aking sarili na, inako ni Creig ang kasalanan niya para lang maitanggol sila lalong lalo na si Reese ngunit talagang nakakagulat pa rin na malaman ito mula sa bibig niya.

"And well, kung hindi mo pa alam. We were bound to be marry so and..." nagkibit balikat siya.

Napanganga ako sa sinabi niya. Gulat at hindi makapaniwala sa narinig mula sa kaniyang bibig.

Ikakasal sila ni Creig!?

Bumukas na muli ang lift dahilan para magpunta ako sa gilid. Maingay na lumabas ang dalawang empleyado. Nagtama ang mata namin ni Reese, she's intently looking at me.

"Adios, amiga. I'm glad to see you after a very very long time..." aniya tsaka pakita sa akin ng sarcastic na ngiti kasabay ng ngiting iyon ay ang pagsara ng pintuan.

Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi makapaniwalang nakita at kinausap ako ni Reese matapos ang ilang taon. Kinagat ko ang aking labi. Hindi rin ako makapaniwala na ikakasal sila.

Kaya pala nandito si Reese? Kasi siya ang magiging asawa ni Creig.

Ang dating akala kong mabait at hindi makabasag pinggan na babae ay magiging sanhi pala ng aking kasiraan at pagkalugmok.

Hindi ko lang maintindihan hanggang ngayon ay bakit niya iyon ginawa? Hindi ba't may relasyon sila ni Cassius? Malinaw pa sa aking ala ala na binasted niya si Creig sa likod ng hagdanan. Kaya bakit niya pang nagawang makipagkasundo kay Creig para siraan ako? Bakit sila naghiganti? At bakit galit na galit siya sa akin ngayon gayong ikakasal na pala sila ni Creig?

Kasal. That word. Halos hindi ko matanggap na narinig ko ito mula sa bibig ni Reese mismo!

Pumikit ako ng mariin. Pilit ko mang pagtagpi tagpiin ang mga nangyari ay sumasakit lamang ang ulo ko. Tumunog na ang elevator. Malayo pa lang ay naaninag ko kaagad si Creig na nakaupo sa kaniyang swivel chair. Nakaputing long sleeves siya na itinupi hanggang siko. Ang mga mata niya ay nakatutok sa mga papel na nasa kaniyang harap.

Sumikip ang dibdib ko habang tinititigan siya. Hindi ko alam na ang presensya niya magbibigay ng kirot sa aking puso.

Binuksan ko ang glass door sa kaniyang opisina. Alam kong nahalata na niya ang aking presensya kaya naman ay napaangat ang kaniya tingin diretso sa akin. Ewan ko ba, sa paraan ng pagtitig niya ay bigla akong nanghina.

Hindi ako makapaniwala sa aking sarili. Niloko na niya ako noon, nagawan niya ng paraan upang magtrabaho ako sa kompanya niya at ngayon nagpag-alaman ko na ikakasal sila ni Reese yet I can still hear my heart shouting his name.

Nilibot ko ang paningin sa loob ng kaniyang opisina. Malinis ang loob nito. Maayos naman na nakasalansan ang kaniyang mga gamit tulad ng mga papeles, sofa, lamesa at iba pa. Sa kaniyang likod ay malayang makikita ang kabuuan ng buong syudad at nagtataasang gusali nito.

Arrowed Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon