Arrowed 31
Pintura
Hindi ako masusundo ni Kuya dahil aniya'y may pupuntahan sila ni Ate Paige. Kaya ang ending, mag-isa akong magcocommute ngayon.
"Sure ka ba talagang hindi ka sa amin sasabay, Prai?" pang-ilang beses na itong tinanong sa akin ni Beth.
I smiled at them before shaking my head. "Hindi na. Nakakahiya naman. Magttricyle na lang ako."
Tumango rin sila't nagpaalam sa akin. Nasa waiting shed ako ngayon, nag- aabang ng masasakyan. Pumara ako ng tricyle na walang sakay.
Nagulat na lamang ako ng maaninag ko ang isang pamilyar na pigurang humarang sa aking mga mata. Nakangiti siyang lumingon sa akin. Nagulat naman ako ng makita ko siya.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Aabangan kitang makasakay." sabi niya.
Tumango ako. Nakaramdam ako ng init sa aking puso.
Nilingon ko ang nakahintong tricyle sa aming harap bago binalingan si Creig.
"Kaya ko naman. Pumasok ka na ulit sa loob. Diba may practice pa kayo?"
Tumango siya. Hindi ko maiwasang tumitig sa kaniya. I'm glad to see him infront of me. Naaalala ko ang nangyari sa amin kanina ni Sapphire. Galit na galit siya sa akin dahil kay Creig. Kinagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin.
"Text me when you got home." tumango ako sa kaniya.
Sumakay na ako sa tricycle. Hindi pa ako nakakaupo ng maayos nang makita ko si Creig na sinabi kung saan ako baba. He even paid the tricycle para ako lang ang ihatid niya.
"Make sure she's safe." aniya sa driver.
Isang sulyap muli ang ginawa niya bago pinaharurot ni Manong ang sasakyan paalis.
Nang makarating na ako sa bahay ay tinext ko si Creig. Hindi naman siya nakapagreply. Siguro ay nasa kalagitnaan sila ng practice. Wala si Kuya at Ate Paige sa bahay. Sabi ni Mommy ay pupunta sila somewhere in South. Aniya'y uuwi rin sila bukas ng hapon. Kaya dalawa lang kami ni Mommy sa hapag kinagabihan.
Kinabukasan, hinatid ako ni Manong sa school. Tahimik akong bumaba ng sasakyan namin.
Palingon lingon ako sa mga estudyanteng nadadaanan ko. Mostly sa kanila kasi ay nakatutok ang mga mata sa akin. Ang iba'y magbubulon bulungan.
Imbes na bigyan sila ng atensyon ay dire diretso lang ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila ngayon.
Napatigil lamang ako ng humarang ang grupo ng mga babae sa aking harap. Nakahalukipkip yung isang lider nila habang nakapoker face.
"Excuse me..." I said.
Dadaan na dapat ako sa kabilang side nang lumipat sila roon at hinarangan ako. Kumunot ang noo ko't binalingan sila.
They're five girls, actually at mukhang mga grade 12 ang mga ito!
"Excuse me... Nagmamadali ako." ulit ko ngunit tila wala silang naririnig.
"Prairie Villafuerte." sabi nung isa dahilan ng pagtingin ko.
"Huh?" nagtataka kong tanong.
"Ikaw ba si Prairie Villafuerte?" aniya.
Kahit nagtataka ay tumango naman ako. Tumaas ang kilay nung babae. Nagigting ang panga.
"How dare you!" pasinghal niyang sabi.
Mas lalo akong nagtaka. "Ano?"
"Alam na namin na ikaw si Cupid. At ikaw ang nagpapatakbo ng Cupid's arrow!" sabat nung isa niyang kasama.
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...