Arrowed 34
You're back
Nakaalis na si West pagkagising ko. Kaagad akong naligo at nagbihis noong kumatok si Mommy para ayain akong umalis na. Suot ko ang kulay itim kong sleeveless dress. Pinartneran ko rin ng kulay itim na stilettos at cardigan. Nilugay ko rin ang kulay blond kong buhok na ngayon ay mahaba na. Naglagay rin ako ng make up sa mukha para magkakulay naman amg maputla kong balat.
Sumakay kami sa sasakyan ni Daddy. Sa likod ay may dalawang kulay puting sasakyan na nakasunod sa amin. Ani Mommy ay ang mga body guard ni Dad.
Nabalitaan ko rin na nasa iisang hotel lang pala si Dalton at Ate Paige. Magkaiba nga lang ng kwarto. Sumakay kami sa helicopter papunta sa Cam. Sur.
Gabi na nang nakarating kami sa isang hotel sa Bicol. Sabay sabay kaming umakyat sa floor kung nasaan ang suite ni Ate Paige.
Nagbukas ang pinto at tumambad sa akin ang mukha ni Ate Paige. Nanlaki ang mata niya nang makita niya ako. Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin papasok at yakapin ng mahigpit.
"Oh my gosh! Totoo na ba ito? You are here!" nagagalak niyang sabi at hindi makapaniwala.
Natawa ako sa naging reaksyon niya. Pinagmasdan ko si Ate Paige. Mas lalo siyang gumanda. Ang kinis pa rin ng balat niya at medyo nagmature rin ang kaniynag mukha.
"Damn it! Kailan ka pa nakauwi?" sunod niyang tanong.
Nilingon ko si Mommy at Daddy. Sinenyasan nila ako na aalis muna kaya tinaguan ko sila. Kaya naiwan kami dito ni Ate Paige.
"Kanina lang..." sagot ko.
"What? And you didn't called me!" malakas niyang sabi.
Muntik ng mabasag ang eardrums ko sa lakas ng boses niya. Shet! Kawawa naman si Dalton kapag nagbunganga si Ate nito.
Umupo ako sa edge ng kaniyang kama. Nitrace ko ang nahawakan ko at ngumiti.
"Wala akog number mo, Ate. Isa pa, late ko na nalaman na you are here." sagot ko.
Ngumuso siya. "Pero kahit na. Kung hindi pa ako ikakasal siguro naroon ka pa rin sa Madrid hanggang ngayon, ano?" aniya sa boses na nagtatampo.
Gosh! Kailan pa naging sobrang clingy ng kapatid ko?
Pabiro akong umirap sa kaniya. "You can tell that pero syempre hindi kita kayang tiisin." nakangisi kong sabi sabay kindat sa kaniya.
"Hay! Namiss talaga kita Prairie. Ang ganda ganda mo na, o. Tsaka tumangkad ka lalo." Hinawakan niya ang baba ko at tinitigan ko.
Kumunot ang noo ko pero hindi ko napigilang matawa.
"Ate naman! Syempre matagal niyo rin akong hindi nakasama kaya marami talagang mababago."
Hinawakan niya ang buhok ko. "And your hair. Kailan ka pa nagpakulay?"
"Matagal na iyan. Mas bagay sa akin ang blond kaysa black."
Tumango siya. "Dalagang dalaga ka na talaga. May boyfriend ka na ba?" sunod niyang tanong.
Ngumiwi ako. Bakit ba laging tanong sa akin kung may boyfriend na ako?
Umiling ako. Kumunot naman ang noo niya. Pinanliitan ako ng mata.
"Seriously?"
Tumango ako. "I'm serious."
"What? How come? Siguro naman parang pumoporma sayo sa Madrid diba? Binabasted mo ba?"
"Ate!?"
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...