Arrowed 10
Friends?
Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa mga nalaman. Sa isang snap lamang ay nalaman ko ang lahat ng iyon. Tahimik lang si Sapphire. Maging ako ay tahimik lang rin. Trying to get the pieces be together.
"Did Creig seen you!?" tanong ni Sapphire makaraan ng ilang sandaling katahimikan sa pagitan namin.
Muling binalikan ko ang kanina. Creig didn't saw me. Si Reese lang ang nakakitang nandoon din ako.
Umiling ako.
Sa kabilang gilid ng aking mata ay nakita ko ang pagtango ni Sapphire.
"That's better..." aniya.
Kinagat ko ang aking labi. Gulong gulo ang aking utak. Guilt crept into me. Kitang kita ko ang pagsusumamo ni Creig kanina sa harap ni Reese.
Bumaling ako kay Sapphire na nakatingin din sa akin.
"Sap, ako yata ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa kanila..." sabi ko.
Alam kong hindi ito ang unang pagkakataon but then, I can't just let this be happened. Lalo na ng saksi ako sa nangyari kanina at nalaman ko pa na ang magkapatid na Samaniegong iyon ay iisang babae lang ang gusto.
I wonder what's Reese feeling.
"No, Prai. You have nothing to do with any of this. Hindi mo kasalanan na maging si Reese at Cassius. You just matched them, alright?"
Kalmado ang boses ni Sapphire. Hindi kagaya dati na tarantang taranta siya kapag may nalalamang banta sa aking screen name.
"But Sap. I know I feel like connected to them. Dahil, naging daan rin ako para sa dalawang iyon without knowing na may masasaktan..."
Bumuntong hininga ako. Aware ako sa mga iyon pero hindi ko naman alam na may taong head over heels kay Reese at matindi pa alam nila iyong lahat. Ako lang ang hindi.
"It's okay, Prai. You don't know there's a Creig existing. Hayaan mo na lang siya. Malay mo ay si destiny na rin talaga ang gumawa ng paraan para paglayuin sila." Ngumiti si Sapphire sa akin.
"At ikaw abg naging instrument niya. Don't worry about it." aniya sa pinal na tono.
Hindi ako umimik. Halos lahat ng exams namin ay lumilipad ang isip ko.
I don't know this job can make me feel so guilty.
Hindi ko naman alam na there's another guy in the scene. Wala akong alam sa kanila. Hindi ko alam na may iba pa. At hindi ko naman kayang tanggihan iyong nagrequest kay Cassius at Reese.
"Hindi naman mangyayari kung hindi tumawag..."
Nilingon ko si Sapphire. Hawak niya ang kaniyang ballpen at pinaiikot ikot pa ito.
"What do you mean?" she asked me, casually.
"Sa araw na mismong nakita natin si Cassius at Reese. Iyon rin ang araw na may tumawag. Noong tinanong ko naman sjya sabi niya ay kaibigan daw siya. I don't have any idea who is she."
Nagkibit balikat si Sapphire. Ngumuso na lamang ako.
Natapos ang exam namin ngayon araw ring iyon. Hindi naman na namin pinag-usapan ni Sap ang mga nangyari.
"Radio station mo?" tanong niya sa akin pagkaraan ng ilang minutong pag-aayos ng aking gamit.
Umiling ako sa kaniya.
"Hindi muna...Siguro ay sa susunod na araw na lang." sabi ko.
Kumurap kurap si Sapphire sa akin. Sabay kaming lumabas ng gate.
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...