Arrowed 25
Cut
Dito rin kami sa bahay nagcelebrate ng New Year. Daddy went to Bicol after a weeks matapos ang celebration. Hindi ko namamalayan na pasukan na naman sa paaralan.
"Malapit na tayong maggrade 12..." masayang sabi ni Sapphire, her chinky eyes disappeared.
True enough. Ilang buwan na lamang ay mag-ggrade 12 na kami. Ibig sabihin rin nito'y ggraduate na si Creig at lilipat na siya sa University. Ngumuso ako at umiling. Bakit ba ako nalulungkot sa balitang iyon?
Tinuon ko na lamang ang aking atensyon sa unahan. Our teacher is explaning something infront. Nag-jojot down notes ako kapag may isinusulat siya sa white board. Pasimple kong siniko si Sapphire sa aking tabi.
Hindi kasi nakikinig at abala pa sa kung anong ginagawa sa likod ng kaniyang notes.
"Listen, Sap. Baka mamaya magkaroon tayo ng quiz." I whispered while my eyes are infront of the class.
Bahagya siyang umayos ng upo. Kita ko sa gilid ng mata ang pagnguso niya.
"Papakopyahin mo naman ako kahit hindi ako makinig, e." bulong niya rin pabalik sa akin.
Kumunot ang noo ko at nilingon siya. She smiled at me. Umiling ako at pasimpleng sinilip ang likod ng notebook.
Yumuko ako upang hindi mapansin ng aming guro na nag-uusap kami.
"Ano ba 'yang ginagawa mo? Patingin ako."
Suminghap si Sapphire at mabilis na sinara at inilayo sa akin ang kaniyang notebook.
"No..." she bit his lower lip.
"Wala lang 'to." aniya, tila kinakabahan. Her cheeks are all red.
Gusto ko pa sana siyang kulitin ngunit aware ako na nasa klase kami. Baka mahalata pa ng teacher namin na nagkkwentuhan kami sa oras ng kaniyang klase. Ayaw pa naman niyan ng maingay.
"Nag-uusap pa ba kayo ni Creig?"
Natigil ako sa pagsubo ng spaghetti ng tanungin ako bigla ni Sapphire. Nasa cafeteria kami. Kasama namin ang tatlong babae. Napatigil din sila at hindi inaasahan ang biglaang tanong na iyon.
Simula noong pasko ay hindi na kami madalas na nagkita ni Creig. Nabalitaan ko nga na nagpunta sila sa Madrid upang doon icelebrate ang New Year. Yun ang sabi ni Kuya sa akin. Ang akala ko nga rin yun na rin ang huli naming pag-uusap nagulat na lang ako isang araw. Binati niya ako.
Dahan dahan akong tumango ka Sapphire. Nagtaas siya ng kilay at madali rin naman itong nawala.
"Oo, e. Nakakatext ko siya nung nasa Madrid sila ng pamilya niya." sagot ko.
Tumango siya. Uminom sa kaniyang baso.
"Gaano kayo kaclose?" she asked me again.
Ngumuso ako. Gaano nga ba kami kaclose? Hindi naman kami super close. Bihira lang kaming mag-usap at kung matagal man ay sa text iyon. O kaya sa tawag.
Last time, I admitted na gusto ko si Creig. It's weird and somehow, ironic. Ayaw ko sa ugali niya pero gusto ko siya.
"Feeling ko hihimatayin na ako..." ngumiwi ako nang narinig ko iyon galing kay Ad. She giggled while looking at my back.
Humalukipkip naman si Sapphire habang nakatingin din sa aking likuran.
"Anong meron?" I asked them.
Nginuso ni Beth ang nasa aking likuran. Automatic na tumingin ako roon. Kulang na lang ay sumirko ang aking dibdib nang makita ko si Creig na kakapasok lang sa cafeteria. He's on his usual bad boy look. Damn! Kahit na magulo ang buhok niya, ang gwapo niya pa rin. Parang modelo lang!
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...