Arrowed 11
Teammates
Hindi ko naabutan sa loob ng bahay si Mommy, Kuya at Ate Paige. Tanging ang mga kasambahay lamang ang sumalubong sa akin pagpasok ko.
"Pakidalhan po ako ng meryenda sa kwarto ko. Thanks..." utos ko.
Tumango naman ang kasambahay namin. Nagpatuloy ako sa paghakbang pataaas ng hagdan. Hindi ko na kailangan pang magreview since, wala na kaming exam. Ang tanging aabangan ko na lang ay ang result. And I quite nervous about that.
Nagbihis na ako ng aking pambahay. Dumapa ako sa aking kama. Bago buksan ang aking facebook account.
Kaagad tumambad sa akin ang pangalan ni Ate Paige. She posted one hour ago of a picture of herself with her friends? They are all complete maliban lamang kay West.
Nilike ko ang picture na iyon bago ako muling nagscroll down. Hindi pa nagtatagal ay lumabas ang pangalan ni West.
West Savier Reverente:
Aye.
Matagal bago ako nakapagtipa ng mensahe. It's his first message to me since then. I am friends with West and others since noong Junior High School pa lang ako.
Ate's 3rd year college and Kuya Percy's in his 2nd year college. Ngayon lang siya nagmessage sa akin sa messenger.
Prairie Cecile Villafuerte:
Hi, West! :)
West Savier Reverente:
Free ka ba tomorrow after class!?
Tinagilid ko ang aking ulo. Napaisip ako kung may gagawin bukas. Muli, binasa ko ang kaniyang mensahe.
Ako:
Wala naman. Ang alam ko, hindi regular ang class bukas dahil computation ng grades.
West:
Oh! So, can I invite you tomorrow!? May practice game kami and I want you to cheer for me.
Ngumuso ako. Kaya kong umalis ng school ng maaga since wala namang magtuturo bukas.
Ako:
Alright. I'll come.
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa hapon ding iyon. Nagising na lamang ako ng lubog na ang araw.
"Dad will be coming home on Sunday." pagkababa ko ng hagdan ay ayun kaagad ang narinig ko.
Huminto ako sa at humilig sa hawakan.
"I'm so excited! Can we prepare a a special dinner here or should I reserved to our favorite restau!?" boses iyon ni Ate Paige.
Bumaba ako. Naabutan ko si Ate Paige naka upo sa sofa. Mommy's standing at may apron pang suot. I looked at her phone. Siguro ay kakatawag lang ni Daddy sa kaniya.
I roamed our sala. Kuya Percy was listening to them.
"Oh! Here's Prairie..." sabay sabay silang lumingon sa akin.
"Daddy will be home this Sunday!?"
Kahit na narinig ko na kanina ay kailangan ko pa rin ng confirmation galing sa kanila.
"Yup. Your Dad called me earlier." sagot ni Mommy sa akin.
Ngumiti ako. Somehow, I feel so excited. We decided to stay at home. Magkakaroon lamang kami ng intimate dinner with family at para na rin kay Daddy. Buong usapan, sobrang attentive ako.
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...