Arrowed 6
Caller
"Gusto ko na tuloy magbakasyon. Naiingit ako sa ate mo tsaka sa friends niya..."
Matapos kong ikwento kay Sapphire ang pag-alis nila Ate kahapon ay ayan ang reaction niya.
"Malapit na. Ilang buwan na lang naman bakasyon na natin, e." sabi ko.
Maski ako ay naiingit rin naman kay Ate. Gusto ko ring umuwi ng Cam. Sur but I need to prioritize my study first.
"Anyway, highway..." ngumuso si Sapphire.
Natatanaw ko ang buong field ngayon. Maganda ang panahon. Mabuti na lang at busy ang aming kasalukuyang teacher. Abala sa buwan ng wika since August ngayon.
"Prai..."
"Hmm?"
Lumingon ako sa kaniya. Nagtaka ako sa pagkaseryoso ng kaniyang mukha pero kaagad naman akong nakabawi at napangisi na lamang.
"What's with that face?" I asked her, smiling.
Huminga siya ng malalim tsaka nilibot ang tingin sa buong field. Sinundan ko lang siya. Trying to read what's on her mind right now.
Nang hindi pa siya nagsalita'y nawala na ang ngiti sa labi ko. I thought if terrible idea but I screwed it away.
"May problema ba tayo, Sapphire?"
I can sense it though. Siguro ganito, ang pagiging bestfriend namin. Simple gesture lang niya ay alam ko na. At maghihintay lamang ako kung kailan siya magkukwento.
"May problem. Pero walang tayo, Prairie..." sabi nito. Tsaka tumawa.
Hindi ako nakapagreact kaagad. Tila nagloading pa sa akin ang sinabi niya. Kumunot ang noo ko at ngumuso naman siya.
"Slow naman nito!" aniya sabay tayo.
"Huh?" parang sirang tanong ko.
Umirap siya tsaka ngumisi.
"Wala. Wala. Slow mo!" pailing iling niuang sabi parang dismayado sa akin.
Ngumiwi na lamang ako. Whatever it is!
Muli, tiningala ko siya. Nag-unat unat ng braso si Sapphire. Sinuklay niya ang kaniyang maikling buhok gamit ang kaniyang mga daliri.
Her bouncy and silky hair bounces as she comb it. Singkit na singkit ang mga mata niya, halata talagang pure chinese. Hindi kagaya sa akin na half lamang kaya hindi gaanong singkit ang mga mata ko.
"For sure, wala naman ng next class since busy mga teachers natin. So, can we buy foods tapos diretso na tayo sa radio station mo?"
Kumakalam na rin ang sikmura ko. Hindi pa ako nakakapag-lunch dahil pinatawag ako kanina ng teacher namin para idistribute yung reviewer because it's going to be our examination week.
Nagkibilit balikat ako kay Sapphire. Alam niya na ang ibig sabihin nun kaya naman sabay na kaming nagtungo sa cafeteria.
Pagkatapos naming kumain ay saglit kaming nagpahinga bago naisipang maglakad na papunta sa radio station.
"Uy! Teka, si Reese yun diba?" Nilingon ko ang tinuro ni Sap.
Napatigil ako ng makita ko siya kasama yung lalaking kasama niya noong nakaraang araw. Hawak nung lalaki yung bag niya but then, he's trying to take it back.
Niliitan ko ang mata ko para makita ng buo iyong kasama niya ngayon.
"Cassius Samaniego..." bulong ni Sapphire sa akin.
BINABASA MO ANG
Arrowed Hearts
Teen FictionPrairie Cecile Villafuerte is a good student and daughter. Ayun nga lang, hindi siya ang tipo ng taong mahilig makihalubilo sa ibang tao. But that's what she think until this unexpected situation happened on her. Isang pangyayari na hindi niya kail...