Dedicated to @jisoo_DM. Maraming salamat sa pagsuporta 😊😊😊😊
----------
* Jisoo's PoV
Napapikit ako ng mariin habang pinapakinggan ang sermon sa akin ni Papa YG.
"I told you to be extra careful Jisoo. You disappoint me." Sabi ni Papa YG bago lumabas ng opisina niya.
Napatingin ako ulit sa laptop na nasa harapan ko.
Breaking news!
BTS V and Blackpink Jisoo spotted together in Jeju Island last week.
May picture kaming dalawa na nasa sea side. Nasa left ako at nasa right siya kaya parang magkasama talaga kami pero ang layo namin sa isa't isa. Pareho pa kaming nakatingin lang sa dagat. Hindi naman kami magkasama nun. Nasa iisang lugar kami oo pero hindi ko nga alam na nandoon din siya.
That doesn't mean we're together.
Binasa ko ang ilang comments ng mga fans.
"My god! My VSoo is sailing!!"
"Uy! Kunwari LQ sila sa photo.."
"So sweet!!"
"Edited yan! Akin lang si taetae!"
"Hala! They're dating na?? Omo!!"
"Best stolen ever. VSoo is heart heart."
Lalong sumakit ang ulo ko. We're not dating!
Hay buhay parang life.
"Jisoo unnie!" Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Lisa. "Anong sabi ni papa YG?" Tanong niya pagkalapit sa akin.
"Ano sabi? Nagalit ba?" Tanong naman ni Rose.
"Are you okay Jichu?" Nag aalalang tanong ni Jennie.
Ngumiti ako sa kanila para hindi na sila mag alala pa.
"Okay lang ako. Kakausapin daw nila ang manager nila V para maayos ang gulo." Sagot ko sa kanila.
--------------
* Taehyung's PoV
"Yung totoo Taetae? Sinermunan ka ba talaga ni manager o sinabihan ka pa ng keep up the good work?" Dinig kong tanong sa akin ni Rapmon hyung.
Hindi ko sila pinansin. Nakangiti lang ako habang nakatingin sa laptop ko. Binabasa ko lang naman ang article namin ni Jisoo-ssi at tinitignan ang stolen picture naming dalawa. Simula nung magdebut sila ay gusto ko na talaga siya.
Sinamaan ko ng tingin si Suga hyung nang bigla niyang isarado ang laptop.
"Matutunaw na eh." Kibit balikat niyang sabi. KJ.
"So? Ano ba kasi sabi sayo? Yan kasi, ang kulit mo. Hindi ka nakikinig sa amin." Naiiling na sabi ni Jin hyung.
"Yan ang napapala ng mga nakikinig sa usapan." Sabat ni Hobi hyung.
Tama naman siya. Narinig ko lang sila Jisoo-ssi noong nakaraang Inkigayo na pinayagan siyang magbakasyon ni YG sa Jeju. Kaya ayun, nagpaalam din ako at pinayagan kaya naman nandoon din ako, pero hindi ko alam na nasa malapit na pala siya nung mga oras na yun.
"Wala naman sa plano ko ang mabalita kami. Ang gusto ko lang yung makita siya, masulyapan man lang. Yun lang." Depensa ko.
"Yun nga. Eh kaso natrending na kayo oh." Napatingin kami lahat kay Kookie nang magsalita siya. Nakatutok siya sa laptop.
"Kayo ang nationwide at worldwide trending sa twitter oh. #VSooIsReal. Usap usapan din kayo at nagkalat na ang mga picture niyo sa Instagram. Ang dami niyo na ding fanfic video sa youtube." Imbes na mabahala ay lalo pa akong ngumiti.
VSoo is real.
"Nagtext si manager. Maglalabas daw sila ni YG bukas ng statement para ideny ang issue niyo." Nabalik ang atensiyon namin kay Rapmon hyung.
"Edi mabuti. Para matapos na ang issue nila ng kambal ko. Ganda ko talaga. Sa akin nagmana si Jisoo-ssi." Napakunot noo kami kay Jin hyung. Tss. Umiral na naman ang pagiging babae niya.
"Tumigil ka nga hyung. Ang bading mo." Sabi ni Jimin hyung.
"Panira 'tong pandak na ito. Wag kang kakain mamaya ha!" Sigaw ni Jin hyung kay Jimin hyung.
Hinabol naman ni Jimin hyung si Jin hyung at nagsorry. Takot magutom mamaya eh.
