Chapter 14

2.2K 115 18
                                    

* Jisoo's PoV

Umaga na nang mabasa ko ang text ni Taehyung kaya naman nakangiti akong bumangon.

Dream of him?

Alam kong pareho kaming nasa kabilang dimensyon di tulad ng iba pero hindi ko akalaing sasabihin niya iyon.

Thank you for making me smile Taetae..

"Aba! Ang ganda ng ngiti natin unnie ah." Sabi ni Lisa nang makarating ako sa kusina.

Nginitian ko lang siya bago ako uminom ng tubig. Iniikot ko saglit ang leeg ko at nag unat unat.

"Nasaan na sila Jennie?" Tanong ko ng mapansing kami pa lang ang nandito.

"Naliligo si Jennie unnie. Si pasta naman nag aayos na para sa fansign event natin mamaya."

Tumango na lang ako at bumalik na ulit sa kwarto ko para maghanda na din. Tulad nga ng sabi ni Lalisa kanina ay may fansign event kami mamaya kaya naman na eexcite na akong makita ang mga fans.

Matapos ang ilang oras ay nandito na kami sa venue at talagang nakakagulat ang dami ng tao. Para sa rookie group na tulad namin ay hindi ko akalaing ganito karami ang dadagsang fans.

Nagperform lang kami ng dalawang kanta namin at nagsimula na ang event. Nakakatuwa ang mga fans dahil marami silang binibigay sa amin na regalo. Nakakataba ng puso ang ganito.

"Jisoo unnie. Idol na idol ko po kayo tsaka bagay na bagay po kayo ni Taehyung oppa." Nakangiting sabi sa akin ng isang fan.

"Talaga ba?" Nakangiting tanong ko. "Bagay talaga kami?" Natatawang tanong ko ulit habang pinipirmahan ang dala niyang album at magazine na kami ang cover.

"Opo unnie. Super bagay kayo." Ngiting ngiti na sagot nang babaeng fan.

"Sige. Sasabihin ko yan sa kanya paniguradong matutuwa yun." Natatawang sabi ko pa rin at nakipagkamay sa kanya.

Ang daming fans na nagsasabing kinikilig sila sa amin ni Taehyung at bagay na bagay daw kami. 4D couple, alien couple, ilan lang iyan sa mga tawag nila sa amin pero nakakatuwa pa din kahit na sinasabihan kaming para daw kaming alien hahahaha.

---------------

* Taehyung's PoV

"Anong mukha yan Taehyung?" Tanong ni Namjoon hyung.

"Mukha nang sawi sa pag ibig! Hahahaha." Pang aasar ni Hoseok hyung.

"Hindi ah!" Depensa ko.

Ako sawi?

Tss. Hindi naman ako nasawi sa pag ibig ah! Wala pa nga akong ginagawa sawi agad? Ano ito? Lokohan?

We Got Married (COMPLETED)Where stories live. Discover now