* Jisoo's PoV
Buong araw kaming magkasama ni Taehyung ngayon para sa shooting namin ng WGM. Kukunan kasi ngayon ang apat na episode ng show dahil aalis ulit sila Taehyung papuntang America para sa BBMAs. Sobrang proud ako sa kanya ng sabihin niya sa akin kahapon na naimbitahan silang magperform doon at nanominate pa sila para sa isang award category. Actually, this is their second time to perform in the BBMAs. Nanalo na din sila doon last year.
"Kailan ang alis niyo?" Tanong ko habang naghihintay na tawagin kami ni direk.
"Sa susunod na araw na." Sagot niya habang pinaglalaruan ang mga daliri ko sa kamay. "Mamimiss na naman kita." Dugtong niya at pinatong ang ulo sa aking balikat.
He looks so tired. Galing pa kasi sila sa isang late night show kung saan ininterview sila tungkol sa BBMAs tapos ang aga pa ng call time namin ngayon.
"Congratulations baby. I'm so proud of you." Nakangiting sabi ko.
Nag angat siya ng tingin sa akin at nginitian ako.
"Thanks baby." Napalo ko siya sa braso ng halikan niya ako sa aking pisngi.
"Baka may makakita. Nakakahiya." Feeling ko ang pula pula na ng mukha ko.
Tinawanan niya lang ako at hinalikan pa ulit ng mabilis sa labi. Natawa na lang din ulit ako.
"And cut!" Sigaw ng direktor.
Magkasama kami ni Taehyung sa van nila. Gusto daw kasi niya akong ihatid dahil baka matagalan daw bago kami ulit magkita.
"Ingat ka ha. Text ka kapag hindi ka masyadong busy." Hindi pa din ako bumababa kahit nandito na kami sa harap ng dorm namin.
"Ingat ka din. I love you." Malambing niyang sabi. "Pagbalik ko, maybe we can have a date."
Tumango ako sa sinabi niya.
"Pahinga ka pag uwi mo. I love you."
---------------
Nanonood ako ngayon sa youtube ng live performance nila sa BBMAs. Pinerform nila ang bago nilang kanta na FAKE LOVE. Grabe, ang galing talaga nila.
Sunod kong tinignan ang mga pictures nila sa IG. Hindi ko maiwasan ang hindi magselos sa tuwing may kasama silang babae sa picture. Hindi naman tumatabi si Taehyung sa babae pero nakakaramdam pa din ako ng selos. May mga picture din sila kasama ang ilang sikat na artists sa America.
Natigil ako ng tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ito at nakitang may text si Papa YG.
From: Papa YG
Pumunta ka dito ngayon sa office ko. Ikaw lang.
Sa hindi malamang kadahilanan ay nakaramdam ako ng kaba. Naligo ako saglit at nagbihis. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko ang mga kasama kong nasa sala at nagcecellphone.
"Aalis ka unnie?" Tanong ni Lisa.
"Tinext ako ni Papa YG. Alis muna ako."
Hinalikan ko lang sila isa isa sa pisngi bago umalis. Nakita kong naghihintay na sa labas ang driver namin kaya sumakay na ako agad sa van.
"Hanggang kailan mo itatago sa akin? Do you even have plans in telling me the truth?" Napayuko ako sa bumungad na tanong sa akin ni Papa YG. Ngayon nagsisisi na ako kung bakit hindi ko sinabi sa kanya agad. "Jisoo, magdadalawang taon pa lang kayo sa industriya. Pumayag ako sa fake relationship niyo para matigil na ang fans but being in a real and serious relationship? Do you even think what would i feel about your decisions? Parang anak ko na kayong apat. Nag aalala ako dahil alam kong masasaktan ka sa pinasok mo. I'm sorry to say this but you have to break up with Taehyung."
Gulat akong napatingin sa kanya. Medyo nanlalabo na din ang aking paningin dahil sa nagbabadyang luha sa aking mga mata.
"B-but i love him Papa YG." Naiiyak kong sambit.
"You're both young for this Jisoo. One day you'll thank me and understand me for doing this." Niyakap ako ni Papa YG kaya lalo akong naiyak. "You should focus on your careers. There's always a perfect time for love."
Hanggang sa makabalik ako sa dorm namin ay iyon pa din ang iniisip ko. Sinubukan akong kausapin nila Jennie pero nagkulong ako agad sa aking kwarto. Doon ko binuhos lahat ng aking luha.
I'm hurting..
Paano ko magagawang makipaghiwalay sa lalaking mahal ko? Kakayanin ko ba? But Papa YG is right. Ngayon ko lang narealize na masyado pa ngang maaga at mabilis para sa ganito. We should focus in our careers. Lalo na sila at unti unti na nilang naaabot ang kanilang mga pangarap. Alam kong ito ang pangarap ni Taehyung at ayaw kong makihati sa oras at atensiyon niya. Ayaw kong may iba pa siyang iisipin bukod sa career nila.
At magiging sagabal lang ako sa pag abot niya sa kanyang mga pangarap..
